Monday , December 23 2024

Illegal gambling sa Metro Manila Part 2

NOONG Martes, ibinulgar ng kolum na ito ang talamak na ilegal na pasugalan sa Maynila, sa Quezon City at sa mga lungsod sa katimugang Metro Manila.

Sa issue ngayon, aasintahin ng Firing Line ang mga pasugalan sa hilaga at silangang bahagi ng Kamaynilaan at ang mga operator nito.

Sa Pasig at Marikina halimbawa, kabi-kabila rin ang bookies sa karera ng kabayo at pa-lotteng.

Pinangangasiwaan ito nina Dodo, Ato at Laarni. Samantala si Pinong ay nakuha pang palawakin ang kanyang lotteng operation sa labas ng Marikina, at nakaaabot hanggang sa Cainta, Rizal at Quezon City.

Sa hilagang bahagi ng Metro Manila, namamayagpag ang gambling operators na sina Buboy Go, Mario Bokbok, Marlyn at Lucy, Nancy at Totie.

Kay Buboy Go ang lahat ng video karera machine na nagkalat sa buong Malabon, ang kaparehong lungsod kung saan minamantine ni Mario Bukbok ang isang lotteng joint at saklaan.

Isang horse race bookie joint ang ino-ope-rate ni Nancy sa Caloocan habang pareho kay Nancy ang negosyo ni Totie sa Valenzuela.

Sa saklaan naman eksperto sina Marlyn at Lucy. May ilan silang saklaan sa Caloocan, Valenzuela at Quezon City.

Dapat na parehong umaksiyon ang National Capital Region Police Office (NCRPO) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) laban sa mga ilegalista at ipasara ang kani-kanilang operasyon. Ang palusot? Ang malinaw na pagwawalang-bahala o, ang mas matindi, ay ang kawalang kakayahan ng mga police district director na may hurisdiksiyon sa mga nasabing lungsod na ipatupad ang batas.

Huwag na po tayong magpatumpik-tumpik pa.

***

Papaalalahanan ko na rin sina NCRPO Director Carmelo Valmoria at Chief Superintendent Benjamin Magalong, CIDG chief, kaugnay ng impormasyong idinetalye natin noong Martes.

Siyempre naman po, umaasa ng aksiyon ang mga karaniwang tao na gaya ko mula sa mga lingkod-bayan na gaya n’yo.

Puwede po ninyong umpisahan sa mga big-time na operasyon ng alamat ng pasugalan na si “Boy Abang” na umaariba ang horse-race bookies at lotteng. Ang business manager niyang si “Lorna” at ang bagman na si “Philip” ang naninigurong walang magiging problema sa lokal na pulisya.

May kani-kanya rin bookies ng karera sina Enteng, Pasia at Paknoy, isang sarhentong nakatalaga sa NCRPO. Si Sgt. Paknoy din ang may hawak sa mga operasyon ng beterano nang si Apeng Sy.

Isa namang Nancy ang nangangasiwa sa lotteng operation sa Maynila, habang nabubundat sa kuwarta sina Gina at Romy Guiterrez dahil sa tagumpay ng kanilang mga video karera machine na nagkalat sa buong Maynila.

Para kay Senior Superintendent Rolando Nana, ang bagong director ng Manila Police District (MPD), aksiyonan n’yo naman po ito, please…

***

Sa Quezon City, sana naman ay pakilusin na nina Generals Valmoria at Magalong ang kani-kanilang tauhan upang tuluyan nang mawakasan ang mga operasyon nina Lito Motor, Tata Ver at Don Ramon. Lahat sila ay operator ng horse-race bookie joints, pero may bonus pang pa-lotteng sina Lito Motor at Don Ramon. Ang mga negosyo ni Don Ramon ay pinangangasiwaan ng isang Jun Moriones.

***

May sarili naman operator ng mga ilegal na pasugalan sa Makati, gaya nina Toto Lacson, Enold at Baras, na may kani-kanyang bookies ng karera at lotteng.

Sa Pio del Pilar, Makati, isang Bob ang nag-o-operate ng saklaan, bukod pa sa kaparehong negosyo nina Ging at Lidas sa parehong lugar. May sarili rin saklaan si Rodel sa Evangelista.

Samantala, isa namang Rey Baba ang nagpopondo sa isang kakaibang laro na tinatawag na ‘terembe’ sa Guadalupe.

Sa Pasay, buong lungsod ang sakop ng lotteng operation nina Christian at Eric Castro.

Ngunit wala nang makadaraig sa paghahari sa lotteng ni Rene Ocampo, na mas kilala sa kanyang company trademark na “RR.” Siya ang may pinakamalawak na operasyon sa apat na lungsod—Parañaque, Taguig, Pateros, at Las Piñas.

Isang pulis-Taguig na kilala bilang “Nonong C” ang nangangasiwa sa isang horse-race bookie joint at maging “loteng” (kombinasyon ng lotto at jueteng), at jueteng. Sigurado ang mga espiya ko na ang Nonong C na ito ang kilalang protektor ng video karera operations sa lungsod.

Isa pang big-time gambling operator si Jake Duling. Kasama ang kanyang partner, isa pang pulis na kilalanin natin bilang Sergeant John M., at si “Nancy” (ang may negosyong lotteng sa Manila), pinangangasiwaan niya ang mga lotteng bookie at saklaan sa Las Piñas, umano’y malapit sa Simbahan ng Iglesia Ni Cristo. Bukod dito, mayroon siyang mahigit 50 video karera machine na nakakalat sa mga lansangan ng lungsod.

Sobra ang lakas ng kanyang loob sa pagmamantine ng nasabing mga ilegal na aktibidad dahil na rin sa umano’y pagiging malapit niya sa isang opisyal ng pulisya na tinatawag na “Colonel Sam.”

Bukod kay Sgt. John M., isa pang pulis ang sangkot sa negosyo ng video karera, si Jun Laurel, na nagkalat ang mga makina sa buong Taguig.

Ayan na po ang mga impormasyon.

Kaya sa mga chief of police at district directors ng mga nabanggit na lugar: Konting kilos naman po sa kinauupuan n’yo at baka kayo ma-stroke!

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

Robert B. Roque, Jr.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *