Monday , December 23 2024

Gulo inawat ama tigbak anak sugatan sa bagitong parak

PATAY ang isang 38-anyos ama, nang magresponde sa nagaganap na kaguluhan sa kanilang lugar, pero sinamang-palad na nabaril at napatay ng bagitong pulis habang sugatan ang dalagita niyang anak sa Parañaque City, nitong Sabado ng gabi.

Nalagutan ng hininga bago idating sa Parañaque Doctors Hospital si Joseph Arquillo, ng 030 Blk 3, Cherry East Compound, Brgy. Sun Valley, sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan, habang nilalapatan pa ng lunas ang 17-anyos anak na si Carliza na nahagip ng bala sa kaliwang paa.

Kinilala ni Parañaque police chief Sr. Supt. Ariel Andrade ang suspek na si PO1 Gerald Garcia, nakatalaga sa Regional Public Safety Batallion-National Capital Region Police Office (RPSB-NCRPO) na tumakas matapos mabaril si Arquillo.

Sa ulat ng pulisya, dakong 9:45 ng gabi, tinawag ng mga kapitbahay ang biktima para umawat sa nagaganap na gulo sa Blk 5 Avenue, Cherry East Compound.

Nagresponde rin sa kaguluhan ang pulis na si Garcia.

Anang  barangay tanod na si Willy Abrematia, naayos na ang gulo nang magreklamo ang kaanak ng pulis na nasugatan.

Nagalit umano ang pulis at sa hindi malamang dahilan, ang biktima ang pinagbuntunan at pinagbabaril sa harap ng dalagitang anak.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang isang basyo at isang hindi pumutok na bala mula sa kalibre .40 na baril.

(JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *