Friday , November 15 2024

Florida bus idineklarang kolorum ng LTFRB

Hinimay ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga paglabag ng GV Florida Bus, na sangkot sa aksidenteng ikinamatay ng 14 katao.

Sa panayam kay LTFRB Chair Winston Ginez, sinabi niyang nagkaroon ng benta-han sa pagitan ng Mt. Province Cable Tours at GV Florida nang hindi dumaan sa kanilang tanggapan.

Setyembre 2013 nang mabili ng Florida Bus ang naturang nahulog na bus at 9 iba pa, mula kay Norberto Que, Sr., ng Mt. Province Cable Tours.

Ang dapat sanang sunod na proseso rito ay ang aplikasyon ng “sale and transfer”  na ipapasa ng operator ang kanyang responsibilidad sa nakabili ng unit.

Sunod na susuriin ng LTFRB ang  kapasidad  ng  bus saka bibigyan ng permisong maka-biyahe.

“Hindi nila ginawa ‘yan, binalewala nila,” giit ni Ginez.

Lumabas din sa imbestigasyon at pagberipika ng mga rekord na lagpas na sa 15 taon ang mga bus ni Que ng Mt. Pro-vince Cable Tours at hindi na ito pasok sa panuntunan ng LTFRB.

Ang Mt. Province Cable Tours lamang ang bumibiyahe sa ruta ng Bontoc-Sagada.

Ang malaking paglabag, “Namasada na sila, kumuha ng pasahero. Ang bus nila ay nagngangalang Florida na at nagkaroon ng misrepresentation sa tao na sila na ang may-ari ng prangkisa ng ruta na iyon.”

Dahil dito, kolorum ang bus na nahulog sa bangin noong Pebrero 7.

Lumalabas din na kambal-plaka at kabit-plaka rin ang nangyari dahil ani Ginez, “Ginamit nila (Florida) ang lumang plaka ni Mr. Que na dating nakakabit sa phased out unit niya. Kinuha nila at ikinabit sa isang unit sa isang bus na hindi pa dumaan sa inspeksyon ng LTFRB at LTO. At ipinangalandakan nilang public utility vehicle ito, dahil ito ay may yellow plate, na hindi totoo.”

Bukod dito, iginiit ni Ginez na hindi tugma sa kanilang rekord ang serial at engine number sa ipina-stencil sa crime scene.

Sa opinyon ni DoTC Secretary Joseph Abaya, isang “blatant multiple violator” ang Florida kaya sumang-ayon sa desis-yon ng LTFRB. Giit ni Ginez, ang dapat sisihin dito ng mga nawalan ngayon ng trabaho na empleyado ay ang management ng Florida bus, “Bakit nila ito ginawa dahil ba sa kikita sila?”

Pebrero 19 itinakda ang public hearing sa kaso ng dalawang bus lines.                          (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *