Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Belga humataw sa RoS

MALAKI ang naitulong ni Beau Belga upang makuha ng Rain or Shine ang unang puwesto sa finals ng PBA Home DSL Philippine Cup.

Nag-average si Belga ng 11.4 puntos at 4.8 rebounds para sa Elasto Painters na kinailangan lang ng limang laro upang dispatsahan ang Petron Blaze sa semifinals sa kartang 4-1.

Sa Game 4 noong Pebrero 3 ay naisalpak ni Belga ang kanyang pamatay na tres sa huling quarter upang dalhin ang ROS sa 88-83 panalo upang makuha ang 3-1 na kalamangan sa serye.

At sa Game Five noong Biyernes ay nagtala si Belga ng 18 puntos at siyam na rebounds, bukod sa kanyang mahusay na depensa kay Junmar Fajardo, upang makumpleto ng Painters ang kanilang pagmartsa sa finals sa pamamagitan ng 97-88 na tagumpay.

Dahil dito, napili si Belga bilang Player of the Week ng PBA Press Corps para sa linggong Pebrero 3 hanggang 8.

Ito ang ikalawang beses na nakuha ni Belga ang parangal pagkatapos na tatlong sunod na linggong nakuha ito ni Mark Barroca ng San Mig Super Coffee.               (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …