We ought always to thank God for you, brothers, and rightly so, because your faith is growing more and more, and the love every one of you has for each other is increasing.—2 Thessalonians 1:3
SA Pebrero a-24 na ang pagpapatupad ng kontrobersyal na truck ban sa Maynila. Ang ordinansa binalangkas ni Councilor Manuel “Let-let” Zarcal ng 3rd District of Manila.
Ito ang ordinansang papatay sa ating ekonomiya, hindi lamang sa Lungsod ng Maynila, kundi sa buong bansa.
***
BAWAL bumiyahe ang mga ten-wheeler container trucks sa mga lansangan ng Lungsod mula ala-5:00 ng madaling araw hanggang 9:00 ng gabi. Para na rin pinagbawalan niyang magnegos-yo ang mga negosyante sa bansa.
Sa susunod na lang natin hihimayin mga Kabarangay ang anti-economic ordinance na ito ni Coun. Zarcal na tila likha ng kanyang malikhaing imahinasyon tuwing naglalagi sa mga clubs & bars. Ang tanong, ito ba ang pormula upang maibsan ang matinding trapiko nararanasan sa Maynila?!
Aysus! Lelong n’yo panot!
SALAMAT, PAKNER
KGG. THELMA LIM!
DINALA na sa huling hantungan ang aking pakner na si Barangay Chairwoman Thelma Mantcha Lim nitong Sabado. Dama pa rin ng inyong abang lingkod ang pangungulila sa kanyang pagkawala. Nasanay na kasi tayo na nasa tabi niya palagi.
Pero ngayon ko lamang nalaman na napaka-aktibo pala ng aking pakner sa mga gawaing sibiko.
***
PRESIDENTE pala ang aking pakner ng Manila Bantay-Bayan Organization, naging ingat-yaman din ng Rotary Club of Quiapo, Director ng Philippine Society for the Prevention of Cruelty to Animals (PSPCA); naging Pangulo rin ang aking pakner ng Samahang Magkakapitbahay ng Barangay 310 (SAMABA).
Si Kapitana Thelma din ang hinirang ni Mayor Lim bilang KKK President sa District III at treasurer ng PS3 Council of Elders.
***
KINILALA pa ang aking pakner bilang Most Outstanding Women Leader in Manila sa lara-ngan ng peace and order noong 2009. Talaga naman bumaba ang bilang ng krimen sa nasasakupang barangay gaya ng holdapan at snatching dahil sa maigting na pagroronda ng kanyang mga tanod sa paligid ng C.M. Recto, Oroquieta at iba pa.
Awardee rin ng Dangal ng Pinoy in Barangay Governance noong taong 2009 sa programang Buhay Pinoy ng IBC 13.
***
ISANG huwaran maybahay at Ina ang aking pakner kaya naman ginawaran siya bilang Most Oustanding Mother in Community Development noong 2008 sa ika-28 taon ng Mother’s Day Award.
Awardee din si kapitana noong 2002 ng National Achievement Awards ng Who’s Who in the Philippines.
***
PINARANGALAN bilang Model Achiever noong 2003 ng National Alliance of Leaders in the Philippines.
Recipients din ang aking pakner ng iba’t ibang pagkilala mula sa mga organisasyong sibiko, universities at colleges, private organizations at mga government agencies.
INIWANG LEGASIYA
SA BRGY 310 ZONE 31
PAANO ba naman isang legasiya ang mga nagawa ng aking pakner sa Barangay 310 Zone 31 sa loob ng maikling panahon bilang Punong Barangay.
Naitayo niya ang Barangay Covered Multi-purpose Hall na ngayon ay tinatawag na BASCOM.
***
DITO rin itinayo ni Kapitana ang SK at Senior Citizens Office, Day Care at Health Centers, Barangay Stage at iba pang kapaki-pakinabang na opisina. Nariyan din ang munting cha-pel na maaaring pagdausan ng burol.
Ipinasemento pa niya ang halos lahat ng eskinita sa barangay, isinaayos ang mga drainage system upang maiwasan ang malalang pagbaha na karaniwan nangyayari sa kanyang lugar, kahit kaunting ulan lamang. Malaking tulong dito ang pagpapa-implementa niya ng Solid Waste Management program sa barangay.
***
BUMUO rin si Kapitana ng Barangay Greenery na naglalayong gawing Barangay luntian ang buong paligid para sa magandang tanawin sa pamamagitan ng paglalagay ng mga halamanan sa nasasakupan.
Hindi lang pampolitika ang aking pakner, pang-isport pa kaya naman itinayo niya ang Taekwondo Training Program at Physical Fitness para mapangalagaan ang kalusugan ng kanyang mga Kabarangay.
***
PINAKAMAGANDANG nagawa ng aking pakner ay ang pakikipag-uganayan sa pamunuan ng Manila City Jail (MCJ) upang hindi magkaroon ng kaguluhan tuwing araw ng dalaw.
Binigyan din ng karapatan ng aking pakner na makaboto ang mga bilanggo sa City Jail. Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Manila City Jail nakaboto sila noong 2010 elections.
***
BAGO pumasok sa politika ang aking pak-ner, siya ay isang ganap at matagumpay na negosyante noon pa man. Dekada ‘80 pa ay nasa framing business na ang kanyang pamilya.
Apat na framing shops at art gallery sa kahabaan ng Quezon Blvd ang naipatayo ng aking pakner.
***
ROSE from the ranks sa barangayan ang aking pakner, kumbaga alam niya ang pulso ng kanyang mga kabarangay. Ang aking pakner ang naitalaga noong 1999 hanggang 2007 bilang Barangay Treasurer bago tumakbo at nagwagi bilang kapitana ng Brgy 310 Zone 31 noong 2007 hanggang 2014.
Dahil na rin sa kahusayan bilang public servant, hinirang siya ni Mayor Alfredo Lim bilang board member ng People’s Law Enforcement Board (PLEB) noong 2002.
***
ANG lahat nang ito ay nagampanan ng aking pakner ng buong kahusayan at katapatan. Nawala man ang aking pakner na si Kapitana Thelma, nag-iwan naman siya ng magaganda at mabubu-ting alaala sa kanyang mga kabarangay at kaibi-gan.
Ang iyong ka-grupo sa Samahan ng Punong Barangay sa Maynila (SPBM) na sina Chairwoman Sally Dy, Guia Castro, Chairman Ben Kalalo, Bal Billanes, Noy Dumagat at iba pa ay patuloy na magmamahal sa’yo, dahil kailanman, hindi ka namin makakalimutan!
Ikaw pa rin ang aming pakner for life!
Para sa anumang komento, mag-e-mail lamang sa [email protected] o mag-text sa 0932-321-4355. Ang ating kolum ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes.
Chairwoman Ligaya V. Santos