Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Toni, payag nang ‘magpahimas’ kay John Lloyd

Reggee Bonoan

NAGULAT kami nang biglang sumilip sa kanang gilid ng stage si Angelica Panganibanna girlfriend ni John Lloyd Cruz nang marinig niyang nagtatawanan ang entertainment press dahil ang pinag-uusapan ay tungkol sa paghimas-himas ng aktor sa leading lady niyang si Toni Gonzaga sa sitcom na Home Sweetie Home.

Sabay-sabay kasing ipina-presscon ang Kapamilya Comedy Shows sa Dolphy Theater noong Huwebes ng gabi tulad ng Goin’ Bulilit, Luv U, Banana Nite/Banana Split, at Home Sweetie Home at huling humarap sa entertainment press sina Lloydie, Toni, Jayson Gainza, Clarence Delgado, at Miles Ocampo.

Natanong ang aktres kung okay lang sa kanya ang mga paghawak-hawak ni Lloydie sa kanya.

“Mas may license na kasi ang asawa. Eh, siyempre hindi ko pa tunay na nararamdam ‘yung ganoong lisensiya na pag-aari mo na ang isang tao, na lahat sa‘yo, so ‘yung medyo nahihiya ako noon.

“Nag-a-adjust ako! “Nagri-reshoot kami ‘pag hindi kuntento si Miss Linggit (Tan).

“Ngayon nga, kahit saan niya (John Lloyd) ako himasin ngayon! Himas na himas na ako!

“Wala na, eh. Nahimas na lahat (sabay tawa) ng likod, braso, legs!” natatawang banggit ng aktres.

At saka namin nakitang sumilip na si Angelica habang umiinom ng juice o iced tea yata.

Wala naman sigurong ibig sabihin si Angelica sa pagsilip niyang iyon baka gusto lang niyang makitawa rin kasi naman noong sila ang nasa harap ng entablado ay wala namang tawanang nangyari, parang sina Jayson at Ryan Bang lang ang nagpasaya sa grupo ng Banana Nite/Banana Split.

Samantala, may sagot naman si JLC sa tanong kung hindi ba siya nahihirapan sa papel niya bilang may-asawa na dahil first time niyang gumanap sa sitcom.

“Hindi rin naman kami nahirapan masyado. Kumbaga, inihalo ko na. Ihinalo ko na, na parang totoo ang eksena sa sitwasyon. Talagang bago pa lang ang asawa ko rito, eh! Hindi pa siya sanay sa ganyang bagay.

‘Yung pagku-comfort, ‘pag tumatapak naman kami sa studio. Matanda na rin naman kami para hindi malaman ang trabaho namin.

“Ang papel na ginagampanan namin. Kaya hindi naman mahirap. Hindi naman ako nahirapan. Si Toni naman ma­pagtiwala!” kuwento ng binata.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …