Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sharon, inendoso ang Starting Over Again (Kahit nabalitang may tampo sa Star Cinema)

ni  Reggee Bonoan

NAKATUTUWANG inendoso ni Sharon Cuneta ang pelikulang Starting Over Again nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga mula sa Star Cinema.

Bagamat hindi ito masyadong nasulat sa diyaryo ay alam naman ng lahat na may tampo si Sharon saStar Cinema dahil sa iba na napunta ang movie project na Call Center dahil nga lumipat na siya sa TV5 tatlong taon na ang nakararaan.

Nanghinayang ang Star Cinema sa script kaya’t may mga iniba lang para mag-swak kay Pokwangna siyang bida at instant hit naman ito noong nakaraang taon.

Say ni Sharon, ”si Inang (Olive Lamasan), mapagmahal sa artista, alam niya kung saan huhugot, ‘yung ibinigay niya sa akin, grandslam for ‘Madrasta’, I’ll always be grateful to her. Hi Inang, I wish you all the best in this movie.  I know it’s going to be another masterpiece.”

Kuwento sa amin ng taga-Star Cinema ay nag-request sila kay Mega kung puwede siyang kunan ng pahayag tungkol sa Starting Over Again na kaagad namang pumayag.

“Nag-request po kami sa kanya, wala naman po naging problema.  Sa set ng ‘Madam Chairman’ last February 4, tapos natuwa po siya (Sharon) nang makita raw niya ang crew kasi sila pa rin ang crew noong she was still with Star Cinema.

“Maganda naman po ang pakikitungo ng Star Cinema kay Sharon, so kaya napagbigyan, happy naman, walang anything,” kuwento sa amin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …