Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Napakabagal ng mga kaso ng preso sa korte

SUNOD-SUNOD akong nakatatanggap ng hinaing ng mga bilanggo sa BJMP at sa Provincial jails, partikular sa malalayong probinsiya.

Inirereklamo ng mga bilanggo ang napakabagal na pag-usad ng kanilang kaso. Inaabot na raw sila ng kung ilang taon at dekada sa kulangan ay hindi parin nadedesisyunan ang ikinaso sa kanila. Kung tutuusin nga raw ay napagsilbihan na nila ang dapat na pagkabilanggo nila dahil sa tagal na nila sa kulungan.

Bukod dito ay problema rin nila ang pasilidad ng kulungan at napakasamang pagkain dahilan para magkasakit at magkandamatay ang ibang bilanggo.

Tulad nitong text ng isang bilanggo sa Leyte Provincial Jail. Pakinggan natin:

“Sir, humihingi po kami ng tulong sa opis nyo na sana matulungan nyo po kami. Dahil ipinadlak kaming lahat ditong mga inmate sa Leyte Provincial Jail. Walang tubig at puro barado lahat mga cr dito. Minsan di pa mabuti ang pagpapakain sa amin. Sana po matulungan nyo kaming inmates ng Leyte Provincial Jail. Hindi naman po lahat ng nakakulong dito ay may kasalanan. Ang iba ay frameup lang at walang abogado kaya nakulong. Marami po dito ang mga nakakulong na walang kasalanan. Sana po ay mapabilis ang aming mga kaso para mayakap  naman namin ang malayang lipunan bago kami kunin ni Lord. Pls keep my numbers safe. Thanks!” – One of the inmates of Leyte Provincial Jail

Kamakalawa, hinaing naman ng inmates sa Tacloban City Jail ang ipinarating sa atin. Hinihiling nilang pabilisin ang pagdinig sa kanilang kaso. Dahil marami raw sa kanila na mga bilanggo ang nagdurusa sa kulungan na walang kasalanan. Napakabagal daw ng pag-usad ng hustisya para sa kanila laluna sa Branch 8 ng Bulwagan.

Ganito rin ang text sa atin ng mga preso sa iba’t ibang bilangguan na nasa ilalim ng BJMP at DoJ.

Ang magandang gawin dito ng mga preso ay sumulat  o gumawa ng petisyon at ipadala kay Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno para makalampag o masabihan ng Punong Mahistrado ang Hukom na nakatalaga sa kungsaang korte.

May pramis si CJ Sereno sa mamamayan nang italaga siya sa puwesto ni P-Noy na kaagad niyang aaksiyunan  ang mga reklamo laban sa mga hukom na tamad at di patas ang paghahatol ng hustisya.

Yan ang gawin nyo, mga inmate!!!

Pati Manila-CSF may kolektong

na rin sa vendors at trapik!

Grabe na talaga itong nangyayari ngayon sa gobyerno ng Maynila.

Sobrang luwag na yata ni Mayor Erap sa kanyang mga tao sa paggawa ng mga pagkakakuwartahan?

Aba’y akalain mong pati mga City Security Force (CSF), na taga-bantay sa mga ari-arian ng lungsod, ay nangongolektong din sa vendors at trapik! Grabe na toh!

Oo, dyan daw ngayon sa Carriedo, Quiapo, ang mga CSF dyan na mga pang-araw ay may “kolektong” sa vendors! May kolektor pa sila!  Isang moros na nagngangalang “Miami”. Iniikutan daw nito lahat ng vendors sa Carriedo. Tuwing hapon daw ito nagre-remit sa pinakapuno ng CSF sa naturang erya.

Sa mga nakaraang administrasyon, walang ganito. Mga pulis lang ang may pakolektong. Ngayon, pati sekyu ng Manila govt. kahit “J.O” lang nangingikil na sa vendors at jeepney drivers!

General Miranda, mga bata mo sa Carriedo kotong na rin!

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …