Monday , December 23 2024

Maskara ni Bangayan hinubad ni Sen. Villar

SA kauna-unahang pagkakataon ay napabilib tayo ni Sen. Cynthia Villar sa nakaraang imbestigasyon ng Senado tungkol sa rice smuggling dahil naging mabilis ang improvement ng Senadora kung ikukumpara sa naunang pagdinig na isinagawa ng pinangunguluhan niyang Senate committee on agriculture.

Mahusay ang paglalatag ni Villar ng mga ebidensiya hanggang sa pagkakahanay niya ng mga katanungan kaya nasukol ang hari ng smuggling na si Davidson Bangayan a.k.a. David Tan.

Ang pagsisinungaling ng rice smuggler ay nabisto nang ilantad ni  Villar ang kopya ng liham ng Vietnam Embassy sa National Food Authority (NFA) na ang kompanya ni Bangayan ay nakatakda na namang magpasok ng malaking shipment ng bigas sa bansa.

Mistulang binuhusan ng malamig na tubig si Bangayan at hindi na niya naikaila na nagpaparating siya ng bigas sa bansa kahit wala siyang import permit mula sa NFA.

‘PERSONERO’ NI MANNY SANTOS

DAPAT IPATAWAG DIN NG SENADO

DISMAYADO nga lang ang marami dahil  sa halip na mga kasong technical smuggling at economic sabotage ang naisampa laban kay Bangayan, perjury lang ang inihain ng Senado.

Hindi rin dinikdik ng mga senador si Emmanuel “Manny” Santos, ang kilalang “broker kuno” sa Aduana na kasosyo ni Bangayan sa Starcraft International Trading Corp., Inc.  at iba pang kompanya.

Aabangan natin sa mga susunod na Senate hearing kung ipatatawag ang isang nagngangalang EDWARD LALU na sinasabing tauhan ni Santos dahil address ng bahay niya ang nakarehistrong address ng kompanyang Starcraft.

Paano nakalusot sa Interim Customs Accreditation Registration (ICARE) Unit ng Bureau of Customs (BOC) gayong pribadong bahay ang ginamit na address ng kompanyang Starcraft?

Sabi ng impormante sa atin, si Lalu raw ay isa sa mga personero na lumalakad sa mga palusot ng kargamento ng grupo nina Bangayan at Santos sa Customs.

Kung hindi tayo nagkakamali, ang damuhong si Lalu ay dating hao shiao agent ng binuwag na Economic Intelligence and Investigation Bureau (EIIB), isang dating taggapan sa ilalim ng Department of Finance (DOF).

Habang hindi pa sumisingaw kung anong mahalagang papel ang ginagampanan ni Lalu sa rice smuggling nina Bangayan at Santos, makabubuting ipabusisi ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares ang mga USED CARS SHOWROOM at CAR EXCHANGE niya sa Pasay City.

Paano naging “BILYONARYONG PERSONERO” si Lalu kung ang papel niya’y taga-proseso lamang ng mga dokumentong gamit nina Bangayan at Santos sa smuggling?

AHENTE NG CUSTOMS IG,

NANGONGOLEKTA NG ‘TARA’

ISANG dating ahente nang binuwag na Presidential Anti-Smuggling Group (PASG)  ang balitang nagpakalat ng kanyang mga “hao shiao” agents para mangolekta ng “TARA” mula sa mga broker at importer cum smuggler sa Customs.

Si “JERRY INCHES” ay kabilang sa mapapalad na nakapasok sa Intelligence Group (IG) ng Customs, na pinamumunuan ni Deputy Commissioner Jessie Dellosa, at sa halip na MONITORING ang gawin ay abala sa “pagtara” sa mga nagpapasok ng baluktot na kargamento.

Kung walang basbas ni Dellosa ang pangongolekta ng “TONG” ni Jerry Inches, habang maaga’y  kastuguhin na niya ito bago magkabukol-bukol ang kanyang ulo at mapagtawanan lang sa Customs.

RUBY TUASON UMAMIN NA;

MGA SENADOR, KABADO NA

WALA sa hinagap ng angkan ng mga Estrada na ang malapit nilang kaibigan at sosyalerang si Ruby Tuason ang magtutuldok sa mahigit apat na dekada nilang pamamayagpag sa politika at kuwestiyunableng paglago ng kanilang yaman.

Inamin ni Tuason na siya mismo ang nagbi-gay ng daan-daang milyong pisong kickback nina Sens. Jinggoy Estrada at Juan Ponce-Enrile sa mga ghost projects ng pekeng non-government organizations (NGOs) ni Janet Lim-Napoles na pinondohan ng kanilang Priority Development Assistance Fund (PDAF)mula noong 2004.

Ang testimonya ni Tuason ang maghahatid sa kulungan sa mga sangkot sa P10-B pork barrel scam, tulad nina Estrada at Enrile, kaya kahit gumasta pa sila nang malaki para maglubid ng kasinungalingan o mag-“damage control” ay wala nang maniniwala sa kanila.

Hindi na uubra ang kahit anong drama ng mag-amang Jinggoy at ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada dahil kombinsido na ang publiko na guilty na sila sa panggagahasa sa kaban ng bayan.

Lahat ng bagay ay may katapusan, kahit ma-tagal na ninyong nalinlang ang taong bayan, gumawa ng paraan ang Diyos para wakasan na ang kapritso ninyong magsamantala sa kapangyarihan.

Ang kabayanihan ni Tuason at iba pang whistleblowers ang magbibigay ng hustisya sa milyung-milyong Pilipino na nasadlak sa labis na kahirapan at nasira ang kinabukasan dahil sa mga politikong magnanakaw sa gobyerno.

Ituturing na bayani ng sambayanan si Tuason kapag ang mga senador na sabit sa pork barrel scam at mga magnanakaw na sangkot sa pagbulsa ng Malampaya funds ay nabilanggo.

Para sa reklamo, suhestiyon at  komentaryo tumawag o mag text  sa 09158227400 / Email: [email protected]

Percy Lapid

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *