Friday , November 22 2024

Huwag ka nang magpalusot denggoy ‘este’ Jinggoy (Mabobokya ka lalo!)

00 Bulabugin JSY
IN FAIRNESS, kung wala ang pork barrel scam, napansin ko ang malaking pagbabago ni Senator Jinggoy Estrada bilang Mambabatas.

Napansin ko ang pag-unlad ng kanyang mga pananalita, pagkilos at pagsagot sa mga tanong tuwing may sesyon sa Plenary.

Bukod pa ‘yan sa mga pagkakataon na siya ay humahawak ng mga committee hearing at sa kanyang mag panukalang batas.

Nakombinsi ko noon ang sarili ko na mukhang seryoso na talaga si Sen. Jingoy na paglingkuran ang sambayanan bilang Mambabatas.

Pero denggoy pala ‘yun … hehehehe …

Biglang sumambulat ang PANDORA’s BOX at nabuyangyang ang akala nila’y matutulog na JANET NAPOLES PORK BARREL SCAM.

Nasagot sa madla ang katanungan kung bakit namumuhunan nang milyon-milyones ang mga tumatakbong mambabatas makapasok lang sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

Nandoon pala ang kasagutan … sa maniobrahan ng pork barrel.

‘Yung gagawa ng isang proyekto umano at ilalagak o gagawing recipient ang isang non-government organization (NGO).

Pero sa pagsambulat ng Pandora’s Box ay mabibisto na ang mga nasabing NGO ay pawang BOGUS o PEKE pala.

At ang KONTSABAHAN ay itinuturo kay Janet Lim-Napoles, Senators Jinggoy Estrada, Bong Revilla at ang isa pang ‘tahiran’ na si Sen. Johnny Ponce Enrile.

Matindi ang pagtanggi ng tatlong Senatong ‘este’ Senador kahit na nga  itinuturo sila ng mga dokumentong galing mismo sa kanilang opisina at swak na swak ang kanilang mga pirma.

Lalo pang tumibay ito nang magnais si dating presidential social secretary Ruby Tuason, ni dating Pangulong Erap Estrada, na maging state witness.

Kumbaga, lumilinaw ngayon ang eskandalo ng pandarambong sa Malampaya fund at pork barrel scam matapos masakote ng Department of Justice (DoJ) ang mga Girl Friday ng mga taong nasasangkot.

Unti-unting lumalakas ang mga ebidensiya laban sa mga ‘lihim’ na isinuka ng PANDORA’s BOX.

Political operations man ito laban kina Jinggoy, Bong at JPE, hindi kayang pasubalian na ang mga ipinakikitang ebidensiya ay tila nguso ng baril na uutas sa kanilang mga ambisyong politikal.

Kunsabagay, walang imposible kapag lumarga ang kwarta at impluwensiya …

Pero sa pagkakataong ito mas kapani-paniwala na gustong mag-iwan ng legacy ng administrasyong Aquino para patunayan ang kanyang campaign slogan na … “Walang mahirap kung walang corrupt.”

Sana lang, sana nga.

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *