Monday , December 23 2024

Huwag ka nang magpalusot denggoy ‘este’ Jinggoy (Mabobokya ka lalo!)

00 Bulabugin JSY
IN FAIRNESS, kung wala ang pork barrel scam, napansin ko ang malaking pagbabago ni Senator Jinggoy Estrada bilang Mambabatas.

Napansin ko ang pag-unlad ng kanyang mga pananalita, pagkilos at pagsagot sa mga tanong tuwing may sesyon sa Plenary.

Bukod pa ‘yan sa mga pagkakataon na siya ay humahawak ng mga committee hearing at sa kanyang mag panukalang batas.

Nakombinsi ko noon ang sarili ko na mukhang seryoso na talaga si Sen. Jingoy na paglingkuran ang sambayanan bilang Mambabatas.

Pero denggoy pala ‘yun … hehehehe …

Biglang sumambulat ang PANDORA’s BOX at nabuyangyang ang akala nila’y matutulog na JANET NAPOLES PORK BARREL SCAM.

Nasagot sa madla ang katanungan kung bakit namumuhunan nang milyon-milyones ang mga tumatakbong mambabatas makapasok lang sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

Nandoon pala ang kasagutan … sa maniobrahan ng pork barrel.

‘Yung gagawa ng isang proyekto umano at ilalagak o gagawing recipient ang isang non-government organization (NGO).

Pero sa pagsambulat ng Pandora’s Box ay mabibisto na ang mga nasabing NGO ay pawang BOGUS o PEKE pala.

At ang KONTSABAHAN ay itinuturo kay Janet Lim-Napoles, Senators Jinggoy Estrada, Bong Revilla at ang isa pang ‘tahiran’ na si Sen. Johnny Ponce Enrile.

Matindi ang pagtanggi ng tatlong Senatong ‘este’ Senador kahit na nga  itinuturo sila ng mga dokumentong galing mismo sa kanilang opisina at swak na swak ang kanilang mga pirma.

Lalo pang tumibay ito nang magnais si dating presidential social secretary Ruby Tuason, ni dating Pangulong Erap Estrada, na maging state witness.

Kumbaga, lumilinaw ngayon ang eskandalo ng pandarambong sa Malampaya fund at pork barrel scam matapos masakote ng Department of Justice (DoJ) ang mga Girl Friday ng mga taong nasasangkot.

Unti-unting lumalakas ang mga ebidensiya laban sa mga ‘lihim’ na isinuka ng PANDORA’s BOX.

Political operations man ito laban kina Jinggoy, Bong at JPE, hindi kayang pasubalian na ang mga ipinakikitang ebidensiya ay tila nguso ng baril na uutas sa kanilang mga ambisyong politikal.

Kunsabagay, walang imposible kapag lumarga ang kwarta at impluwensiya …

Pero sa pagkakataong ito mas kapani-paniwala na gustong mag-iwan ng legacy ng administrasyong Aquino para patunayan ang kanyang campaign slogan na … “Walang mahirap kung walang corrupt.”

Sana lang, sana nga.

APOLOGY IBIGAY DIN NG HONG KONG SA INDONESIA DAHIL SA PAGMAMALUPIT NG HK EMPLOYER KAY ERWIANA SULISTYANINGSIH

HANGGANG ngayon ay iginigiit ng Hong Kong government kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na dapat siyang humingi ng apology dahil sa pagpaslang ng isang desperadong pulis sa mga tourist Hong Kong nationals noong August 2011.

Pero dahil hindi ginawa ni PNoy tinanggalan nila ng visa free entry ang mga diplomatic at government officials ng bansa.

Nagbabanta pa sila na sa susunod ay ‘yung mga regular passport holder naman daw ang tatanggalan ng visa-free entry sa kanilang teritoryo.

‘E sa totoo lang, napaka-inconsistent ng Hong Kong government sa ganitong pananaw.

Kasi kung consistent sila dapat humingi na rin sila ng paumanhin o apology sa Indonesian government dahil sa ginawang pagmamalupit kay Erwiana Sulistyaningsih, ang Indonesian maid na walong-buwan pinarusahan at pinagmalupitan ng kanyang Hong Kong employer.

Daig pa ng demonyo ang among Hong Konger ni Erwiana dahil sa pagmamalupit na ginawa sa kanya sa loob ng walong buwan.

Halos hindi na nakilala ang babaeng Indonesian ng kanyang pamilya dahil sa sobrang kalupitan na dinanas sa kanyang among taga-Hong Kong.

Galit na galit ang Indonesian government at nangakong isusulong ang kaso ni Erwiana laban sa kanyang among Hong Konger.

Sa ginawang ‘yan ng Hong Kong national na amo ni Erwiana, hindi ba dapat humingi ng apology ang Hong Kong government sa Indonesia?!

Ano ang isasagot ng Hong Kong, “Wala kaming pananagutan d’yan. ‘E  nagpunta kayo sa Hong Kong ‘e kung hindi kayo nagpunta hindi ninyo mararanasan ‘yan … etc. etc.”

Ganyan din kaya ang isagot ni PNoy sa kanila, tatanggapin kaya nila?

Hong Kong government, please be consistent!

ALIAS TATA BONG TONG KRUS, UNTOUCHABLE BAGMAN NG MPD
(ATTENTION: PNP-NCRPO Dir. C/Supt. Carmelo Valmoria)

SUNOD-SUNOD nating binulabog ang KOLEKTONG activity ng grupo na pinangungunahan ng isang beteranong tulis ‘este’ pulis na may hawak ng TARA ng tatlong MPD police station sa Maynila. Ang sinasabing lider ng KOTONG ‘COP’ GANG ay isang alias TATA BONG TONG KRUS na siyang may hawak ng TARA y TANGGA mula sa mga ilegalista at vendors para sa MPD STATION 1, 7 at 10. Hindi lang ‘yan… kaladkad rin n’ya ang pangalan ng isang abogago ‘este’ abogado na malapit kay ousted president YORME ERAP!? Hinaing ng matitinong MPD personnel, UNTOUCHABLE raw ngayon si alias TATA BONG TONG KRUS sa hanay ng mga pulis sa MPD. Kung sila’y todo-hirap sa pagganap sa kanilang tungkulin ‘e nagpapasarap naman ng yagbols si alias Boy tong krus at mga bataan n’ya sa kolektong. Nagtataka nga sila kung saan kumukuha ng kapal ng mukha at basbas si Tata Bong Tong Krus na mistulang wala nang kinatatakutan sa PNP.

By the way Bong Tong Krus, sanay na tayo sa mga katulad mo na malakas manduro … pero sa bandang huli ay nangamote rin!

Sonabagan!!!

MPD OIC S/Supt. ROLLY NANA, sino ba ang mas matigas sa inyo ni Bong Tong Krus sa MPD? Aba’y kung hindi mo kakalusin ang illegal activities ni Bong Tong Krus ‘e baka maniwala na ako sa mga usapan diyan sa MPD HQ na parang flower vase ka lang daw diyan!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *