HANGGANG ngayon ay iginigiit ng Hong Kong government kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na dapat siyang humingi ng apology dahil sa pagpaslang ng isang desperadong pulis sa mga tourist Hong Kong nationals noong August 2011.
Pero dahil hindi ginawa ni PNoy tinanggalan nila ng visa free entry ang mga diplomatic at government officials ng bansa.
Nagbabanta pa sila na sa susunod ay ‘yung mga regular passport holder naman daw ang tatanggalan ng visa-free entry sa kanilang teritoryo.
‘E sa totoo lang, napaka-inconsistent ng Hong Kong government sa ganitong pananaw.
Kasi kung consistent sila dapat humingi na rin sila ng paumanhin o apology sa Indonesian government dahil sa ginawang pagmamalupit kay Erwiana Sulistyaningsih, ang Indonesian maid na walong-buwan pinarusahan at pinagmalupitan ng kanyang Hong Kong employer.
Daig pa ng demonyo ang among Hong Konger ni Erwiana dahil sa pagmamalupit na ginawa sa kanya sa loob ng walong buwan.
Halos hindi na nakilala ang babaeng Indonesian ng kanyang pamilya dahil sa sobrang kalupitan na dinanas sa kanyang among taga-Hong Kong.
Galit na galit ang Indonesian government at nangakong isusulong ang kaso ni Erwiana laban sa kanyang among Hong Konger.
Sa ginawang ‘yan ng Hong Kong national na amo ni Erwiana, hindi ba dapat humingi ng apology ang Hong Kong government sa Indonesia?!
Ano ang isasagot ng Hong Kong, “Wala kaming pananagutan d’yan. ‘E nagpunta kayo sa Hong Kong ‘e kung hindi kayo nagpunta hindi ninyo mararanasan ‘yan … etc. etc.”
Ganyan din kaya ang isagot ni PNoy sa kanila, tatanggapin kaya nila?
Hong Kong government, please be consistent!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com