Friday , November 15 2024

Birthday boy iprinotesta ng Yolanda survivors

SINALUBONG  ng protesta at matinding pagkondena  ng mga militante at mga  Yolanda survivors   si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III, sa pagdiriwang ng ika-54 kaarawan, February 8, sa Mendiola, Maynila.

Naghain ng wish list sa Pangulo ang Tindog People’s Network  na binasa ng kanilang tagapagsalita.

“Continuous relief aids to all the victims especially those who are in far and hardly-reached areas, those who are here in Manila and on government temporary shelters. Provide regular job opportunities for the victims. Provide humane shelter for them that are near to their place of work and livelihood. Support the educational needs of the children of the victims,”  ani Mark Louie Aquino, tapagsalita ng Tindog People’s Network.

Ang nasabing wish list ay isinulat sa life-size birthday card na pinadala sa Punong Ehekutibo.

Bukod sa Tindog, nakiisa rin sa birthday-protest  ang umbrella organization ng mga militante na Bagong Alyansang Makabayan – Metro Manila (Bayan) sa paanan ng Don Chino Roces Bridge,Mendiola na dinaluhan ng libu-libo katao.

Bitbit ng mga raliyista ang higanteng dilaw na cake, effigy  na may sukat na 4 feet by 2 feet na may bahid ng dugo,  54 na kandila at pigurin  para sa Pangulo na sinunog habang kanilang inaawit ang ‘Goodbye Noynoy’ sa tono ng klasikong awiting ‘Happy Birthday.’

Hindi pinalampas ng Bayan Metro Manila at  Tindog People’s Network ang birthday wish ng Pangulo na maging ‘disaster-resilient’ communities ang bansa.

Hiling ng  mga protester sa Pangulo, maging makatotohanan sa kanyang mga pangarap, kumilos  at madaliin ang muling pagpapatatag (rebuilding) sa mga komunidad, livelihoods at mga imprastraktura sa mga lugar na sinalanta  ng bagyong Yolanda.

“ You (President Aquino) must devise more effective disaster preparedness measures considering that our country is prone to various types of disasters… ‘Survivors of Yolanda need not to hear wishes that are far from reality for they are suffering long enough. Neither, typhoon victims does not care of what are the plans of Mr. Aquino on his birthday and Valentines Day celebration,” ani Mark Louie Aquino.

Sa February 16, magsasama-sama ang mga biktima ni Yolana sa Metro upang isapinal ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa gobyernong Aquino dahil sa pagpapabaya  at mabagal  na pagresponde  o  rescue, relief and rehabilitation efforts.

(leonard basilio)

About hataw tabloid

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *