Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Trailer ng Starting Over Again, naka-2M hits na!

ni  Ambet Nabus

WOW, naka-2 million hits na pala ang trailer ng   Starting Over Again nina papa Piolo Pascual at Toni Gonzaga sa Youtube, kaya’t sure ng tatabo ang Star Cinema’s Valentine movie offering.

Actually Mareng Maricris, ang pustahan na nga lang ngayon ay kung ilang milyon ang kikitain nito on its first day of showing at kung keri ba nitong magtala ng bagong record for Toni whose biggest movie earner ay umabot pala ng P250 plus million. Si Papa P ay balitang nakapagtala na rin before ng P100+ million gross at sinasabing ito nga raw ang magsasalba sa kanyang mga not so-good box-office movie showing in the past.

“Kumpleto kasi ang movie. At saka aminin talaga nating trip ng mga tao na mapanood si Piolo sa mga ganyang klaseng movie kasama ang isang natural winner (Toni),” sey ng isang observer.

Super agree kami sa observer na ito dahil kahit ulit-ulitin naming panoorin ang trailer, naroon pa rin ang kilig, saya, at kaunting luha sa amin. How much more pa kung buong movie na? Kaya tara mareh, sa mismong birthday ko, February 12, gora tayo sa sinehan at manood ng Starting Over Again hahaha!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …