Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nash at Alexa, parang kathryn & daniel na rin! (Dahil sa rami rin ng supporters)

ni  Reggee Bonoan

MAAGANG Valentine’s gift ang handog sa TV viewers ng Kapamilya teen stars na sina Nash Aguas at Alexa Ilacad ngayong Sabado (Pebrero 8) sa Wansapanataym Presents: Enchanted House dahil aaminin na ni Philip (Nash) na mahal niya si Alice (Alexa) bagay na ikakikilig ng kanilang supporters.

Kaya mas lalong tumaas ang ratings ng Wansapanataym at ang LUV U ay dahil dumarami na rin ang supporters nina Nash at Alexa tulad noong nag-uumpisa rin sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Going back to Enchanted House, ang malaking katanungan ay kaya bang burahin ng pag-iibigan nina Philip at Alice ang galit sa puso ng kanilang mga pamilya at turuan ang mga ito na patawarin ang isa’t isa?

Anyway, abangan ngayong Sabado ang kuwentong pag-iibigan nina Philip at Alice kasama sina Ara Mina,Dominic Ochoa, Nikki Valdez, Candy Pangilinan, Jaime Fabregas, Celine Lim, Brace Arquiza, Marikit Morales, at Aldred Gatchalian mula sa panulat ni Danica Domingo at direkiyon nina Erick Salud at Jojo Saguin.

Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …