KALIMUTAN na muna sandali ang babaeng sabik na sabik sa undeserving publicity na nangumbida ng lalaki para ipabugbog n’ya. May isang babae na mas deserving na pag-usapan dahil sa tapang n’ya: si Cherie Gil!
Parang wala nang atrasan na magpoprodyus si Cherie ng one-woman play na siya rin ang gaganap (pero hindi naman siya pa ang magdidirehe!). Full Gallop ang titulo ng play, at kahit na parang angkop ito sa Year of the (Wooden) Horse, hindi ito tungkol sa kabayo.
Tungkol ito sa isang babaeng sa titik D nagsisimula ang pangalan.
Sori, hindi po si Deniece Lukaret! Tungkol ito kay Diana Vreeland.
Sino ‘yon? Never heard?
Pero may pagkalukaret din siya. Lukaret in a brilliant and delightful way. Genius nga ang bansag ng ilan sa kanya, eh!
Si Diana Vreeland ay ang naging pinakasit na fashion editor sa mundo noong 1940s hanggang 1970s. Fashion editor ng Harper’s Bazaar at editor in chief ng Vogue. Naging fashion adviser (dictator?) din siya ni Jacqueline Kennedy.
Bagamat wala siyang reputasyon na nanlalalaki, vaklang-vakla siya. At napakadaldakina n’ya. Kung ano-ano ang sinasabi n’ya tungkol sa fashion, pagpapaganda, at sa Arts.
Sa Marso pa naman ipalalabas sa Carlos P. Romulo Theater sa RCBC Plaza sa Makati ang Full Gallop. Ang aktor na si Bart Guingona ang direktor nito. (At si Bart po ay ‘yung klase ng aktor na kayang idirehe ang sarili n’ya. Ginawa n’ya ‘yon sa Red, na katatanghal lang sa Cultural Center of the Philippines.)
Hala na, mag-ipon na para may maipambili ng tiket para sa Full Gallop. Sa March 14 pa ito magsisimulang itanghal. At sa ngayon, anim na performances lang ang nakaiskedyul.
DANNY VIBAS