PANSAMANTALANG ipinatigil ng local government ng Quezon City ang koleksyon ng garbage fees mula P100 hanggang P500 sa bawat kabahayan.
Ito ay makaraang pagbigyan ng Supreme Court ang hiling ni Jose Ferrer Jr., residente ng Kamias Road, Quezon City, na mag-isyu ng temporary restraining order, kaugnay sa kanyang petisyon na ipatigil ang koleksyon ng garbage fees.
“SC 3d division issues TRO against QC new garbage fees. Reso not yet out. Ferrer vs autista,” pahayag ni Public Information Office chief and spokesman Thedore Te.
Ang binanggit na respondent sa petisyon ay si QC Mayor Herbert Bautista, city council, city treasurer at city assessor.
Giit ni Ferrer, hindi kailangang magkolekta ng hiwalay na garbage fee mula sa mga residente dahil ito ay katumbas ng “double taxation,” idiniing ito ay primary duty at function ng local government na dapat pondohan ng iba’t ibang buwis na dati nang ipinataw sa mga residente gayundin sa share nila sa
internal revenue allotment.
Dagdag pa ni Ferrer, ang garbage fee ay dati nang covered ng revenue collection, na umabot sa P13.69 billion noong 2012.
Aniya, ang maliit na bahagi ng city revenues ay maaaring gamitin sa garbage collection at iba pang pangunahing mga serbisyo. (HNT)