Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga aktres na naghubad para manalo sa Oscar (Part I)

MARAMING mga aktres ang umaasam na mapanalunan ang pinakamataas na karangalan sa industriya: ang pinag-aagawang Academy Award. Kalimutan na ang anumang naisip na paraan, narito kami para ituro sa inyo ang pinakamabilis na daan tungo sa pagsungkit ng Oscar—maghubad. Narito ang ilan sa mga naging matagumpay.

Kate Winslet

Naghubad sa: The Reader (2008)

Napanalunan sa Oscar: Best Actress

Sa kabila ng pagiging leading lady sa pinakamatagumpay na pelikula sa lahat ng panahon, lumitaw na sadyang nahirapan ang five-time nominee para magwagi sa Oscars. Buti na lang ang dumating ang ‘The Reader’—makabagbag-damdaming darm tungkol sa Holocaust na nagkataon ay may eksenang hubad—at doon lang na-uwi ni Kate ang Best Actress Oscar.

Holly Hunter

Naghubad sa:  The Piano (1993) Napanalunan sa Oscar: Best Actress Ang ‘The Piano’ ay isang uri ng pelikula na talagang kinalolokohan ng mga botante sa Academy dahil ito’y isang period piece tungkol sa babaeng pipi na nagpursigi na daigin ang kanyang kapansanan para mabuhay ang kanyang anak na babae sa pamamagitan ng musika. At siyempre, sa maraming eksena ay lumabas si Holly nang hubo’t hubad.

Charlize Theron

Naghubad sa: Monster (2003)

Napanalunan sa Oscar: Best Actress

Hindi rin naman namin sinasabi na ta-nging paghuhubad lamang ang dahilan o paraan na nanalo ang mga aktres sa Oscar, hindi ito lubusang makatotoha-nan. Minsan, dahil na rin sa kapangahasan ng ‘beautiful people’ ng Hollywood na willing gawing pangit ang kanilang sarili alang-alang sa sining, tulad ng ginawa ni Charlize Theron sa kanyang serial killer biopic. Nagpakita rin siya ng alindog, dangan nga lang ay naliligo siya sa dugo.

Halle Berry

Naghubad sa: Monster’s Ball (2001)

Napanalunan sa Oscar: Best Actress

Nabigo man ang pagganap niya sa cyber-thriller na ‘Swordfish’ para manalo sa Oscar, nagamit na rin naman ni Halle ang kanyang seks-walidad para magkaroon ng bentahe sa kanyang pagwagi sa pelikulang ‘Monster’s Ball’ni Mark Forster. Naghubo’t hubad ang aktres sa pagganap sa kuwento ng isang nabiyudang babae na nagningas ng mainit na relasyon sa kanyang racist na prison guard na siya rin pumatay sa kanyang asawa.

(Sundan bukas)

Kinalap ni Sandra Halina

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Casino Plus One Million for Every Hero FEAT

Casino Plus Empowers Users to Support Real-Life Heroes with Each Daily Login
One Million for Every Hero

Casino Plus is bringing the Christmas spirit of giving into the digital space with the …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …