Sunday , December 22 2024

Manny Santos, dapat imbestigahan ng BIR

PAPASOK na rin daw sa eksena ang Bureau of Internal Revenue (BIR) para busisiin ang yaman ng hari ng rice smuggling na si David Bangayan a.k.a. David Tan na sinasabing nagkakahalaga  ng  P6 bilyon.

Sa ginanap na Se-nate committee on agriculture hearing kamakailan,  nabuko  na kasosyo pala ni Bangayan ang kapwa niya suspected smugglers na sina Eugene Pioquinto at Emmanuel “Manny” Santos sa mga kompanyang Silverjade Import Export Trading, Davidson Star Publishing Inc., at Tristar Asia Petroleum Inc.

Walang hindi nakakikilala at nakaaalam sa mga kuwestiyonableng negosyo ni Manny Santos sa Customs bilang “broker kuno” dahil ilang dekada na siyang nagpapasasa sa Aduana.

Panahon na para ipabusisi at paimbestiga-han ni BIR Commissioner Kim Henares si Santos para malaman kung siya ay nakapagbabayad ng karampatang buwis sa kanyang mga kinita sa loob ng mahabang panahon bilang bigtime na “broker kuno” sa Customs.

Ang pangalang Manny Santos ay hindi nawawala sa listahan ng mga mananaya sa sugal na sabong at milyon-milyon kung pumusta kada sultada, lalo na kapag dumarayo sa mala-kihang derby.

Bukod sa pag-aalaga ng mga mamahaling manok na panabong, kilala rin ang pangalang Manny Santos bilang horse owner at ito ang nagamit niyang paraan upang mapalapit noon sa anak ni GMA na si Mikey Arroyo sa Club Don Juan.

Noong nakaraang 2013 election, dalawang pahayagang tabloid ang sinasabing pinondohan ni Manny Santos bilang tulong sa kampanya ng pinatalsik na pangulo at sentensiyadong mandarambong na si Joseph “Erap” Estrada sa pagtakbo nito na alkalde sa Maynila, at kabilang sa nagpatakbo at nagsulat sa mga pahayagan ang ilang Senate reporters.

Ito kaya ang dahilan kung bakit wala halos walang istoryang lumabas sa media tungkol kay Santos sa nasabing Senate hearing at hindi rin siya binomba ng mga tanong ng magkapatid na Estrada?

Kundi ako nagkakamali, nagsimulang madikit ang pangalan ni Manny Santos kay Erap nang makasama ang kanyang pangalan sa listahan ng mga bigtime smuggler sa bansa at matatandaang inimbestigahan ng Senado noong panahon na si Erap ang nakaupo sa Malakanyang.

MENSAHE NI DUTERTE:IPATUPAD ANG BATAS

SA nasabi ring Senate hearing, ibinulalas ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang labis na pagkadismaya sa pagkainutil ng gobyerno na ipatupad ang mga batas para masugpo ang rice smuggling.

Sabi nga niya, napakamapanganib ng smuggling, maliban sa napakalaki ng nawawala sa kaban ng bayan ay nalulugmok pa lalo sa kahirapan ang mga magbubukid.

Ayon pa kay Duterte, sabotahe sa ekonomiya ang rice smuggling, at sanhi nang pagguho ng tiwala ng publiko sa gobyerno, lalo na ang kapasidad nitong ipatupad ang batas.

Sa madaling salita, puro dada lang at kulang sa gawa ang mga opisyal ng pamahalaan.

Kaya nga hindi siya nangiming ihayag sa Senado at sa harap ni Tan,” “If this guy would go to Davao and start to unload and I see that he is here, committing a crime, I would gladly kill him.”

Ang determinasyon ni Duterte na mahigpit na ipatupad ang batas ang dahilan kaya takot ang mga kriminal at tahimik na namumuhay ang mga taga-Davao City, ang uri ng kanyang disiplina ang kailangan ng buong bansa upang magbalik ang tiwala sa pamahalaan ng mga mamamayan para sumunod sa mga batas.

Kung may nalalabi pa tayong malasakit sa nag-iisa nating bansa, itaya na natin ang huling baraha kay Duterte sa 2016.

DE LIMA AT ROSALES, TAGATAHOL

NI MAR ROXAS; PROTEKTOR PA

NI DAVID TAN AT SMUGGLERS

NATARANTA ang mga nag-aambisyong maging kapalit ni PNoy sa Malacanang sa 2016 at kanilang mga kampon, sa pagpabor ng publiko sa uri ng liderato ni Duterte kaya ganoon na lang ang pagbatikos nila sa alkalde.

Nangunguna rito sina Justice Secretary Leila de Lima at Commission on Human Rights (CHR) chair Etta Rosales, na tila nag-duet sa pamimintas sa mayor nang bantaan si Tan, at kesyo labag daw sa batas ang pahayag ni Duterte.

Imbes si Tan at ang mga kasabwat niyang smuggler ang banatan nina De Lima at Rosales ay si Duterte pa ang pinuntirya ng mga hunghang dahil makakasapaw sa bangungot na ambisyon ng amo nila na nagluklok sa kanila sa puwesto.

Tanong ko lang sa dalawang taga-tahol ni Roxas: Gaano karaming mamamayan ang biktima na ang karapatan ay nalalabag dahil sa kahayupan ni Tan at ng mga smuggler?

‘Yan ba ang paraan n’yo para hindi mahalatang pinoprotektahan n’yo sa kaso si Tan at ang mga smuggler dahil magagamit n’yo pa silang financier sa kampanya ng amo n’yo sa 2016?

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

Percy Lapid

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *