Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Manager ng Jollibee utas sa parak (Inakalang magnanakaw)

PATAY ang 24-anyos manager ng isang food chain makaraang mapagkamalan na magnanakaw ng 29-anyos tauhan ng Rizal PNP at binaril sa bubong ng bahay kahapon ng madaling-araw sa Pasig City.

Kinilala ni Senior Supt. Mario Rariza, hepe ng Pasig Police, ang napatay na si Irvin Perez y Padernal, manager ng Jollibee Antipolo at nakatira sa #31 Galaxy St., Cielo Homes, Brgy. San Isidro, Taytay, Rizal.

Sumuko ang suspek na si PO2 Mark Ronald C. Dorado, nakatalaga sa Rizal Provincial Public Safety Company at nakatira sa Blk-8, Lot-12, Saint Mary St., Metro Ville Subd., Brgy. Manggahan Pasig City.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon nina SP01 Remegio Ora at P01 Eric Goboy, dakong 1:30 a.m. nang mangyari ang pamamaril ng pulis sa biktima sa Blk-8, Lot-12, Saint Mary St., lungsod Pasig.

Sa pahayag ni Renz Michael Coloma, kaibigan ng biktima, posibleng napagkamalan na magnanakaw ng kapitbahay na pulis si Perez dahil dumaan sa bubungan ng kanilang bahay kaya binaril.

(ED MORENO/MIKKO BAYLON)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …