KINOMPIRMA ng Deparment of Public Works and Highways (DPWH) na substandard ang ipinatayong bunkhouses sa Eastern Visayas para sa mga biktima ng bagyong Yolanda.
Sa pagdinig ng Senate committee on public works na pinamumunuan ni Sen. Bongbong Marcos, inamin ni DPWH Sec. Rogelio Singson na hindi nasunod ng mga contractor ang specifications ng DPWH dahil sa kakulangan ng materyal sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad.
Ngunit ayon kay Singson, hindi tatanggapin ng DPWH ito hangga’t hindi naaayos ng mga contractor kaya’t ito aniya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa nila binabayaran.
Wala aniyang overpricing na nangyari dahil wala pa silang ibinayad kahit partial payments sa mga gumawa nito.
Bagama’t sa ngayon ay inaayos na aniya ito ng mga contractor alinsunod sa specifications ng ahensya.
Nabatid na sa target na 222 bunkhouses, nasa 198 na ngayon ang natatapos at 24 pa ang ipapagawa.
(CYNTHIA MARTIN)