Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Araw ng Martes marami ang nag-eensayo lang

Kadalasan talaga ng pakarera kapag araw ng Martes ay marami ang lumalahok kahit noon pa, pero sa araw na iyan ay marami na akong napanood na  nag-eensayo lang sa aktuwal sa takbuhan. Kaya naman ganon ay nais nilang magpababa ng grupo o hindi kaya’y nagbatak bilang karagdagang preparasyon sa pagsali nila sa araw ng Biyernes, Sabado o Linggo man.

Sa gawaing iyan ay marami tuloy ang naliligaw sa parte nating mga mananaya at maging ang mga may-ari ng kabayo na sinserong ilaban ang kabayo nila. Ang isa pa dapat nating pakiramdam at tatandaan ay iyong mga horse owners na ipinapatalo na ang kanilang alaga kapag hindi na sila namuro o buhay pa sa kanilang paratingan dahil olats na ang taya nila.

Kaya ang maipapayo ko lang ay ibayong pag-iingat na lang, lalo na kapag may mga sumingit na hindi inaasahan.

Okidoks. Sa pagkakataong ito ay binabati nina klasmeyts BPSO Bitoy Lansangan at Brgy. Captain Amos Hechanova si Ginoong Edgar Dizon, von voyage na rin sa inyong paglipad sa Miyerkoles. Ingat at harinawa’y maging ligtas kayo sa inyong paglalakbay.

Narito ang ating mga tips para araw ng Biyernes:

Race-1 : Sa ikli ng distansiya at kalamangan sa tiyempong naitala ay bahagyang lamang si (6) Security Joy, pero kapag oras na mabigyan ng magandang go signal sina (2) Mig’s Best at (1) Blue Magic ay malaking banta sila.

Race-2 : Unahan na lamang sa puwestuhan at pagparemate ang labanan nina (3) Show Me The Money at (7) John’s Memory.

Race-3 : Sa ikatlong takbuhan. pamprimero ko ang nagbabalik na sweepstakes runner na si (5) Satin Lace, panegunda ko si (2) Birthday Gift.

Race-4 : Medyo balikatan ang labanan at marami ang maaaring maganap, kaya isama lang kung may iba pa kayong kursunada bukod sa aking mga kukuhanin na sina (2) Magic In The Air, (3) Lucky Dream at ang tila nakaidlip lang sa nakaraan na si (7) Maam Mika.

Race-5 : Sa buti ng ikinikilos ng kabayong si (1) Silver Sword ay patok ulit siya para sa akin.

Race-6 : Sa ikaanim na tagpo ay mas pili ko sina (6) It’s June Again at (4) Misteryosa.

Race-7 : Magandang pagkakataon na  ni (3) Machine Gun Mama para manalo, iyon nga lang kinakailangan niyang magtira ng lakas sa huling diretsahan na maipangtatapat sa mga reremateng sina (1) King Rick at (7) My Kolet.

Race-8 : Magandang pamilian sa penultimate race sina (2) SweetChildOfMine, (5) Bull Session at naharangan lang sa nakaraang takbo  na si (1) Security Wisdom.

Race-9 : Magdagdag sa inyong mga paratingan at baka magkaroon ng sorpresa. Choices ko ay sina (3) Isobel, (6) Herran at (5) Good As Gold.

Fred L. Magno

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …