Friday , November 15 2024

Modernisasyon ng Orthopedic itinuturo ng gov’t sa pribadong sektor

00 Bulabugin JSY

NATAPOS na ang panahon ng magagaling na technocrats sa gobyerno.

Kung dati-rati ay ipinamumulat ng gobyernong Pinoy sa lahat ng mamamayan, mula bata hanggang matanda ang kahalagahan ng self-reliance  para sa pagbangon o pagpapatatag sa sariling kabuhayan, ngayon ang iginigiit ng mga pinuno ng bansa ay ituro sa private sector ang anila’y ‘pagliligtas’ sa Philippine Orthopedic Hospital.

Naghain na ng petisyon sa Supreme Court ang mga mambabatas na nasa Makabayan bloc, mga indigents na pasyente at iba pang health  professionals para pigilin ang pribatisasyon ng nasabing ospital.

Noong nakaraang Disyembre 2013, ang P6-bilyon kontrata  para i-upgrade ang state-run hospital ay ipinagkaloob sa Megawide.

Ito rin ang kompanyang nakakuha ng tatlo pang proyekto sa ilalim ng Public-Private Partnership (PPP) projects.

Sa ilalim ng concession, itatayo ng Megawide ang bagong orthopedic hospital na may kapasidad na 700 beds at ang bagong site nito ay itatayo sa compound ng National Kidney Institute (NKI) sa Quezon City.

Tinututulan ng mga petitioner ang nasabing konsesyon dahil umabot lamang sa 70 charity beds ang ilalaan nila para sa mga indigent.

Mismong ang union ng mga empleyado at manggagawa sa nasabing ospital ay hindi naniniwala sa paliwanag ng gobyerno.

“Ang partikular na sinasabi na walang pera ang gobyerno, walang expertise ang gobyerno para magpatakbo ng ospital pero hindi po kami kumakagat sa ganoong mga kasinungalingan,” ani National Orthopedic Hospital Workers Union President Sean Velchez.

Kapag pinayagan umano ng mamamayang Filipino na maituloy ng concession ang nasabing proyekto, tiyak na lalong  tataas ang bayarin kaya lalong mawawalan ng puwang ang mahihirap na magpagamot sa nasabing ospital.

Dagdag ni Velchez, “Ito ay binansagang poor man’s hospital. Hindi po kami kontra modernisasyon. Kung meron mang mga taong gustong i-modernize at mahal na mahal ‘yung orthopedic kami po ‘yun. Ang tanong lang e sino ba dapat ang magpopondo ng modernisasyong ito. Sa aming palagay, obligasyon ng pamahalaan ang maglaan ng sapat na budget para sa modernisasyon.”

Naniniwala po tayo d’yan.

Bakit nga ba kailangan ‘ibigay’ ng pamahalaan ang operasyon ng ating mga public hospital sa pribadong sector?!

Naniniwala tayo na ‘yan ay isang pagpapakamatay para sa sektor publiko.

Hindi natin maintindihan kung bakit nakasalaksak sa utak ni Health Secretary Enrique Ona na ang pagpapapasok sa pribadong sector sa ating mga ospital ay magbibigay umano ng mas mabuting serbisyo.

“Yung ating mga mahihirap na ngayon ay pumupunta sa Philippine Orthopedic hospital e minsan 20 days bago maoperahan. Ito ang gusto nating maayos. Ito’y isang paraan na makaaayos ng ating mga lumang ospital na nangangailangan ng malaking pondo, na pwedeng maayos natin. Hindi lang pondo ang kailangan kundi pati rin pagpapatakbo ng ospital,” super paliwanang ni Secretary Ona.

Sa ‘magkano’ este anong paraan Secretary Ona?!

Mababaw at napaka-unscientific ng paliwanag ni Secretary Ona.

Parang inamin na rin ng administrasyon ni PNOY na bangkarote ang gobyerno sa panahon ng kanyang pamumuno.

Mantakin ninyo, sa nasabing concession ay nakasaad na pamamahalaan ng Megawide ang Orthopedic hospital sa loob ng 25 taon …

After 25 years, ano na ulit ang hitsura ng Orthopedic? Mayroon bang study na after 25 years ay magkakaroon na ng kakayahan ang ospital na mag-upgrade ng facilities, iba’t ibang laboratory machines at magbigay ng state-of-the-art health services sa sambayanang Pinoy?!

O baka naman after 25 years ‘e balik sa dating hitsura ang Orthopedic hospital?!

Mga kababayan, sama-sama po nating TUTULAN ang privatization ng mga ospital dahil sa totoo lang hindi ito pakikinabangan ng mga mamamayan (lalo na ng mahihirap) na tunay na nangangailangan ng kalingang medikal.

Malaking bagay po iyan para sa mga susunod na henerasyon.

Tandaan po natin na ang KALUSUGAN ay batayang karapatan ng bawat mamamayan at mayroong responsibilidad ang bawat isa sa atin na maipagkaloob ito nang tama at naaayon sa batas sa lahat ng mga nangangailangan.

Irehistro po natin sa ano mang paraan ang pagtutol sa pribatisasyon ng alinman pampublikong ospital.

Tutulan ang Ortho-PAID-dic!!!

MAY IBANG BUHAY PANG NAPAHAMAK DAHIL  SA ‘LANDIAN’ SA LIKOD NG ‘VHONG-DENIECE’ BROUHAHA

TAYONG mga Filipino, ayaw ng INJUSTICES.

Kaya nga kahit sinasabi ni Deniece Cornejo na siya ay biktima ng rape, pero wala tayong mabakas ‘e hindi niya makuha ang simpatiya natin.

Mas nagsisimpatiya ang maraming Pinoy sa bugbog-saradong si Vhong Navarro, kahit na nga lutang na lutang na nag-take advantage siya, roon sa babae at sa sitwasyon.

Sa pagkakataong ito, gusto nating talakayin ang kalagayan naman ng mga nadamay na barkada ni Cedric Lee.

Sila ngayon ang nakararamdam ng ‘INJUSTICES.’

Nadamay sila at nakasuhan nang walang kalaban-laban. Kaya ang nangyayari ngayon ay sumasagot sila sa isang asuntong hindi nila alam kung bakit bigla silang nadamay.

Isa na riyan si JP Calma at Jed Fernandez, mga business associates ni Cedric Lee na hindi maintindihan kung paano silang nadamay sa nasabing asunto.

Naroon lang daw sila sa The Fort nang gabing iyong para mag-unwind. Kumbaga magbawas  ng  stress dahil sa makupad na takbo ng negosyo.

Pero hanggang ngayon ay hindi nila maintindihan kung paano silang nadamay sa nasabing eskandalo.

Napagbigyan lang nila si Cedric nang yayain silang magpunta sa nasabing condo at nagulat na lang nga sila na naroroon pala si Vhong Navarro.

Tumulong lamang daw sila na maihatid sa presinto si Vhong na binigyan pa nila ng mineral water.

They are in a wrong place at a wrong time…

Kaya ngayon, obligado silang sagutin ang pagkakadamay nila sa nasabing asunto.

Lessons learned: huwag magdididikit sa mga taong inaalihan ng ‘libog’!

Tsk tsk tsk …

KAILAN KIKILOS SI BATANGAS PNP-PD COL. OMEGA FIDEL VS PERYA-SUGAL?

HANGGANG sa kasalukuyan ay hindi pa rin daw kumikilos ang police provincial director sa lalawigan ng Batangas na si Senior Supt. Omega Jireh Deocares Fidel tungkol sa perya-gal na may halong color games, dropballs na itinayo sa Barangay 6, Poblacion sa bayan ng Talisay, Batangas.

Ito ay kahit na sandamukal ang reklamo ng mga residente mula sa Brgy. Sta Maria, Poblacion, Banga at Aya tungkol sa perya de pasugalan ni alais BOKNOY na ang protector ay isang nagpapakilalang bagman ng Batangas PNP na si alias JHONG TONG.

Ano ba ang ‘parating’ ng mga perya-gal operator kay Kernel Fidel at dedma lang siya sa mga sugal-lupa na ito!?

Sa Balayan, Nasugbu, Taal open for public na ang bookies ng loteng, sakla at mga tupada-han.

Pakisagot nga KERNEL OMEGA?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *