Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Eva Bay, sa Amerika maghahasik ng byuti

LAST year, isang paanyaya ang natanggap ng singer-host, stand-up comedian at impersonator na si Eva Bay (Julius Edward P. delos Santos sa totoong buhay) para maging regular host at performer sa isang kabubukas pa lang na bar sa Estados Unidos.

Noong una, iniisip niyang pinaglalaruan lang siya ng mag-asawang Mylene at Melvin Rabara, may-ari ng PaYaSo, isang comedy bar sa San Francisco, California kaya ipinaramdam niyang hindi siya interesado. Ang naglalaro kasi sa isip niya, mas marami ang sikat na performers sa kanya sa Music Box na pinaglilingkuran niya kaya bakit siya pa ang kukunin.

Makalipas ang ilang linggo, hindi tinantanan ng mag-asawa ang all-around stage performer kaya ipinaliwanag dito na siya lang ang alam nilang babagay para mag-host sa kanilang bar. Aliw na aliw pala ang mag-asawa sa mga video  na napanood nila sa mga naunang shows nito kaya alam nilang magki-click din ito sa mga bar-goer sa Amerika.

Nalaman din ng mag-asawa na bukod sa pagiging komedyante, nagdodoble-kara pa at mahusay kumanta si Eva. Kayang-kaya rin kasi nitong mag-impersonate ng mga sikat na singer gaya nina Lady Gaga, Celine Dion, Mariah Carey, Lani Misalucha, Jaya, Regine Velasquez at maging si Janno Gibbs!

Sa loob ng ilang linggong pangungumbinsi, tuluyan na ring nagdesisyon si Eva at tinanggap ang alok ng mag-asawa. Kaya naman tuwang-tuwa ang mga ito kaya ikinasa na ang grand opening ng kanilang bar sa Marso at si Eva ang itatampok nila sa espesyal na pagtatanghal. Kaya sa Marso, magsisimula nang maghasik ng kanyang “babey” o  byuti sa Amerika si Eva Bay.

Sa ngayon, habang inaayos pa ni Eva ang mga kinakailangang papeles, patuloy pa rin ang kabi-kabilang shows na nilalabasan niya. Regular siyang napapanood sa FH Sing-Along Bar sa Sta. Mesa (Martes), Comikera Comedy Bar (Huwebes at Biyernes), Music Box (Sabado), at tuwing Linggo, naghu-host siya at nagpe-perform sa iba’t ibang mall sa Kamaynilaan kasama ang Fabe Models.

Noong nakaraang Huwebes, nakipagsabayan siya sa biritan sa show nila ni Anton Diva sa Comikera Comedy Bar at nakipagtagisan din sa pagpapatawa kay Ate Gay nang sumunod na araw.

Ngayong Pebrero, tampok siya sa Valentines with Eva Bay ng FABE Productions na sinimulan na noong Linggo, Pebrero 2 sa Event Center ng SM City Marilao. Susunod ay sa Pebrero 9 sa SM City Las Pinas na makakasama niya ang ilan pang mga kilalang performers sa entablado.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …