ni Pilar Mateo
PARA sa last na live na salang niya sa Bandila, ang Feng Shui Master na si Marites Allen ang naging panauhin ng king of talk na si Boy Abunda sa kanyang Ikaw Na! segment.
Nagbigay pa rin kasi ng mga insights si Ms. Allen sa 15 araw pang ino-observe after the Chinese New Year, kung ano pa ang mga auspicious and positive things na dapat sundin o isagawa.
Matagal na ang relationship nina kuya Boy at Ms. Allen kung tungkol din lang sa feng shui ang pagu-usapan dahil si kuya Boy ang nagho-host ng mga convention niyo yearly.
At kahit pa nga ‘di gaano ang suwerte sa Year of the Dog wherein isinilang ang king of talk, sagana na ito sa cures at pangontra kaya nga nang makausap namin si Kuya Boy, naitsika na nito ang tungkol sa magiging show nila ni Kris Aquino simula sa susunod na Lunes, February 10, pagkatapos ng The Legal Wife sa Kapamilya.
Sabi naman ni Kuya Boy, sa kanilang programa, people from all walks of life pa rin ang kanilang makakatalamitam gabi-gabi sa 30 minuto, gabi-gabi. May artista, politiko at iba pa.
At nasisiguro naman daw niyang hindi naman sila magkakasapawan ni Kris sa pagbibigay ng mga nasa isip at puso nila dahil sanay na nga sila sa mga intelligent discussions na hindi nawawala ang bigayan.
Tinanong ko naman si Kuya Boy kung ito na ba ‘yung show na gustong-gusto na niyang gawin.
“Hindi pa rin ito ‘yun. Hindi pa siya mangyayari. Not that soonest. Though here sa talk show with Kris, marami rin kaming bagong ibibigay sa viewers.
Aquino and Abunda Tonight!, magpapasabog na!
Ser Chief, never naakit sa iba
NAALIW kami sa tsikahan with Richard Yap na kilala rin as Papa Chen and Ser Chief sa kanyang thanksgiving party cum Chinese New Year celebration with the entertainment press.
Natanong kasi siya how much he is worth now. At tawa lang ang isinagot nito sabay paliwanag na wala naman siyang kaba sa kawanihan ng internas dahil religious naman daw sila ng misis niyang si Melody sa pagbabayad ng kanilang obligasyon.
Eh, nangungulit pa rin kami kung ano ang worth niya. Aba! Havey na havey ang sagot, ha!
“I’m worth watching!”
O, ‘di ba naman!
Kaya rin hindi na nakapagtataka na sige pa rin ang dating ng blessings kay Ser Chief. Na-extend pa ang buhay ng kanilang Be Careful with my Heart ni Jodi Sta. Maria. Pero nanghihinayang pa rin siya na hindi natuloy ang movie version nito.
Sa pagkakataong ‘yun, nakita ng mga tao kung bakit walang dapat na ikatakot o ika-insecure si Melody sa mga pwedeng umakit o mag-flirt sa kanyang papa Chen—si Richard na ang nagsabing sa 20 taon nilang pagsasama as husband and wife, may challenges silang hinarap pero wala roon ‘yung pagkakaroon ng third party sa relasyon nila.
Pang-MMK (Maalaala Mo Kaya) nga ang love story ng mag-asawa.
It defied everything and everyone. Pinatunayang sila ang meant to be-and born on the year of the Sheep na si Richard at ang born on the Year of the Monkey na si Melody. Taurus si Richard. Cancer si Melody.
Sabi ni Richard, siya ang mas mainitin ang ulo at more impatient than Melody. Si Melody ang financier sa bahay at buhay nila. Pagpasok ng pera, awas na ang pang-tax, nakahati na sa kanila at mga anak nila at may pang-savings pa.
Ang saya ng press dahil hindi magkandadala sa ibinahaging gifts ni Richard sa mga loot bag. Halos lahat ng ineendoso niyang produkto eh, ipinalasap niya sa press.
Pansin tuloy ng isang reporter, sana raw gayahin si Richard ng ibang artista na marami rin ang ineendoso. Na magbahagi naman kahit paminsan-minsan sa mga taong nakatutulong sa kanila.
We need not name names.