Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ser Chief, binantaang papatayin ng isang basher

GOOD karma ang pasok ng Chinese New Year kay Richard Yap dahil  nag-share ito sa mga kaibigan niya sa movie press. Nagkaroon siya ng Thanksgiving party sa pag-aari niyang Wangfu Chinese Bistro sa Tomas Morato.

Hindi na masyadong aktibo si Richard sa social media dahil kulang din siya sa oras. Isa sa grabeng basher niya ay ‘yung binantaan siyang papatayin.

“Hindi ko alam sa kanya kung bakit. Sabi niya, ‘Papatayin kita tandaan mo yan.’ Ako naman, ‘Huh?Ewan ko.’ It was a new account, nakita ko lang eh, siguro wala siyang magawa sa buhay niya,” natatawang kuwento ng actor ng top-rating daytime drama series nila ni Jodi Sta. Maria na Be Careful With My Heart ng ABS-CBN.

Hindi pinapatulan ni Richard ang mga ganoong bagay. Itutulog na lang daw niya at sayang ang oras niya para sagutin pa ‘yun.

Maraming plano si Richard sa 2014. May alingasngas na magsasama sila ni Anne Curtis sa isang project pero wala pang kompirmasyon dahil magiging abala si Anne sa Dyesebel. Basta aasikasuhin din ni Sir Chief ang kanyang singing career.

“We’re planning to do more shows, siguro abroad and in the Philippines. Mga, hindi naman concert, shows lang, small shows lang, we’d rather do small shows, ayoko munang mag-concert siguro.”

Marami ang nagsasabi na puwede na siyang gumawa ng major concert sa Araneta Coliseum.

“Araneta Avenue puwede,” tumatawa niyang sagot.

“Gusto ko ng ano, I’d rather have, gusto ko more experience with performing before I go and do a full concert kasi ayoko na malugi ‘yung mga tao na manonood sa akin.Gusto ko naman maganda ‘yung ipalalabas natin, ‘di ba? Siyempre value for money,” hirit pa niya.

Joey, nalungkot na hiwalay na si Alma kay Sultan Fahad

NALUNGKOT si Joey Marquez sa balitang hiwalay na ang dati niyang misis na si Alma Moreno kay Marawi City Mayor Sultan Fahad “Pre” Salic. Napanood lang daw niya ito sa Startalk.

Hindi kaya magkabalikan sila ni Ness lalo’t may anak sila?

“Matatanda na kami, eH,” bungad niyang reaksiyon.

Wala naman daw siyang karelasyon ngayon at nasa kanya lahat ang mga anak nila.

May posibilidad ba na maging sila ulit ni Alma?

“Matanda na kami,” simple lang niyang sagot.

“Parang mahirap eh, kasi alam mo ang isang bagay kapag nabasag kahit na kumpunihin mo, kahit lagyan mo pa ng glue ‘yan, andoon pa rin ‘yung lamat, eh. Mas maganda ‘yung magkaibigan kayo ngayon na puwede naman kayong magtulungan, ‘yung you take care of each other kahit paano.

Pero mas mahirap ‘yung nagsama kayo, magsusumbatan kayo bandang huli, eh. I dunno kung tama iyon,” dagdag pa niya.

Gwen, lola na ni Max sa isang serye

PARANG hindi Pasko ang naramdaman ni Gwen Zamora nang mag-Christmas siya sa Tacloban. Dalawang taon na kasi ang pakikipagrelasyon niya kay Raymund Romualdez, anak ng Tacloban mayor na si Alfred Romualdez.

Tinanong si Gwen kung may plano na ba silang magpakasal ng kanyang boyfriend. Depende raw sa recovery ng Tacloban ang kanilang kasal.

“It was so hard to celebrate. Sina Tita Cristina (Gonzales) at si Tito Alfred, you didn’t feel it’s Christmas. No one partied or anything, Noche Buena. Ni hindi nga umabot ng Noche Buena si Tito Alfred. He’s so tired. Since it happened (bagyong Yolanda), hindi siya nakakatulog,” kuwento ni Gwen.

May nagtanong kay Gwen kung bakit pumayag siya sa role na lola siya ni Max Collins? May pagka-fantasy at mystery pala ang serye. Pumayag siya na maging lola dahil na-trap siya sa frame.

Iniintriga rin siya kung bakit pumayag siya na maging supporting ni Max samantalang nauna naman siya sa Kapuso Network.

“When have I ever said no?The more I care, lalo akong mai-stress, ayoko. Maybe, the world’s not yet ready for me,” bulalas niya.

ni Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …