MALUNGKOT ang pagpasok ng Bagong Taon sa isang apprentice jockey. Naparusahan siya ng suspension na 24 racing days ng mga stewards ng Santa ana Park.
Si jockey B.L. Salvador sakay ng kabayong Tito Arru sa race 3 ng Class Division 1 ay nasilip ng mga Board of Stewards ng Santa Ana Park na walang interest na ipanalo ang sakay niya.
Teka, bakit yung mga class A jockey na madalas MAGBIYAHE ng kanilang mga sakay ay hindi yata nakikita ng mga Board of Stewards ng tatlong karerahan?
Porke Class A jockey ay takot ba ang mga Board of Stewards ng tatlong karerahan na parusahan ang mga ito kahit na gumagawa ang mga ito ng katarantaduhan sa ibabaw ng kabayo?
Maraming karerista ang nagsasabi na kapag naliyamado sa betting ang sakay ng class A jockey ay sa malamang na biyahe na ito.
Marami nang napanood sa mga monitor ang mga mananaya na kung paano UMARTE at gawan ng paraan para matalo ang sakay ng mga class A jockey.
Mayroon bang kinikilingan ang mga Board of Stewards ng tatlong karerahan sa mga class A jockey? Takot ba silang parusahan ang mga ito?
Hiling ng Bayang Karerista na maging parehas ang mga Board of Stewards sa pagpapataw ng parusa maging apprentice man ito o mga Class jockeys.
oOo
NAKAUSAP po natin sa telepono ang butihing Commissioner/Executive Director Jesus B. Cantos ng Philippine Racing Commission (Philracom) tungkol sa malaking pagbabago ng sales sa taong 2013.
Nang matapos kaming mag-usap sa telepono ay nagtext po siya tungkol sa malaking pakinabang ng Horse Racing Industry dito sa ating bansa dahil sa maayos nilang pamumuno.
Ito ang text niya sa akin. Sales this year inc by 3.05% by PO.23B to P7.78B…Registered Horses grew by 9% to 582, Horse Owners increased by 1% to 394 while prize money increased in Q4 by 9% too.
Maganda balita ito mula sa pamunuan ng Philracom sa pamumuno ni Chairman Angel L. Castano, Jr.
Kung ganito ang laging mamumuno sa Philracom tiyak gaganda ang takbo ng horse Racing Industry dito sa ating bansa.
oOo
Sa mga OPERATORS ng Off-Track Betting Stations sana daw ay laging maayos ang pakikitungo ng mga machine teller sa mga mananaya.
Pag-umayaw o hindi na tumaya ang mga tao sa OTB ninyo, tiyak SARADO KAYO!
Freddie M. Mañalac