Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kim fanatics, Nagrereklamo sa kawalan ng solo number ni Kim sa ASAP

BUMAHA ng emails ang aming inbox galing sa loyalistang supporters ni Kim Chiu na tila may tampo sa ASAP dahil hindi raw nabibigyan ng solong production number ang dalaga.

Ayon sa email na natanggap namin, “bakit po hindi binibigyan ng solong production number si Kim Chiu? Galit ba sa kanya ang taga-‘ASAP’? Kasi parang one of those na lang siya?

Sabi naman ng isa pang email sender na talagang Kim Chiu fanatic, “bakit, malaki naman na ang naimambag ni Kim sa ABS, buti pa si direk Lauren (Dyogi) love si Kim, ‘yung ibang taga-ABS hindi.”

Sabi pa ng fans ni Kim ay wala silang pakialam kung sino ang ipa-partner sa kanya as long as nabibigyan ng tamang exposure ang aktres.

Noong ipinost nga namin sa Twitter account si Coco Martin na ang bagong leading man ni Kim sa upcoming seryeng Ikaw Lamang ay talagang ini-retweet na ng fans.

At dahil dito ay nangako kami sa fans ni Kim na ipararating namin ang kanilang hinaing sa ASAP kung bakit walang sariling production number ang dalaga, eh, marunong nga naman siyang sumayaw, huwag lang pakakantahin ha dahil alam naman nating hindi siya singer.

ni  REGGEE BONOAN

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …