Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Deniece, consistent sa pagtawag ng kuya sa mga lalaki (Kahit sa sinasabing lolo niya…)

ni Ronnie Carrasco III

KUNG pagbabasehan ang kanyang 10-page sworn affidavit na isinumite ng kanyang mga abogado sa Taguig Prosecutor’s Office noong Miyerkoles (January 29), ang inaasahang kaawa-awang disposisyon ni Deniece Cornejo na umano’y ginahasa ni Vhong Navarro hardly surfaced in her face.

Kuwento ito mismo ng staff ng isang TV program bago sumalang si Deniece para sa interbyu, noong araw ding pormal na siyang nagsampa ng kaso.

“Naloka naman kami sa kanya,” simula ng staff, “Noong nagse-set up na kami para sa sit-down interview, sabi niya, ‘O, kailangan maganda ako sa TV, ha?’ ‘Di ba, supposedly, eh, rape victim siya? Wala man lang ba siyang nararamdamang discomfort na finally, haharap siya sa mundo para ikuwento ang istorya niya?”

Hindi pa rin daw doon natapos ang “moment of lunacy” ng staff maging ang mga taong nakapaligid sa shoot na ‘yon. “Nangako si Deniece na haharap para sabihin lang ang totoo, pero tama ba namang sabihin niyang, ‘Siyempre, magsasabi ako ng totoo, pero siyempre, may halong kaunting drama’? Anong ibig niyang sabihing dapat haluan ng drama ang kanyang paglantad? ‘Yun bang pag-iyak niya na para naka-cue ‘yung luha niya na any moment, eh, babagsak na ang ibig ba niyang tukuyin? O, ‘yung version niya na ni-rape talaga siya?” tip pa ng staff.

Sa panayam ding ‘yon naloka ang mismong reporter na nag-iinterview sa kanya. Simple lang ang tanong kung nag-aaral ba si Deniece o nagtatrabaho.

Kuwento ng reporter, “Imbes na sagutin niya ‘yung tanong, ang sagot ba naman niya, eh, ‘Puwedeng ang itanong mo na lang, eh, ganito? Huwag na lang ‘yan,’ sige, sabi ko sa kanya, tanong mo, sagutin mo na rin.”

Samantala, mariing itinanggi ni Deniece na may kaugnayan o relasyon sila ni Vhong Navarro, o ni Cedric Lee who claimed to have rescued her noong gabi ng insidente. “Kuya” ang parehong tawag niya kina Vhong at Cedric.

At least, consisistent si Deniece. “Kuya” rin kasi ang tawag niya sa lalaking ang alam namin ay lolo niya.

Kaya madalang ang mga pelikula

DIREK OLIVE, ‘DI SUNGGAB NANG SUNGGAB SA PROYEKTO

KUNG bakit her directorial assignments come few and far between, it’s because Olive Lamasan chooses which material she truly believes in.

Sa loob ng 20 taon na niyang pagdidirehe, Star Cinema’s Valentine offering Starting Over Again is only her 11th film. Inang, as she’s referred to by her co-workers, explains that she’s the creative head of ABS-CBN’s film arm.

“But I am given a chance to direct, I do it at least one in every two years,” sabi ng lady director na hindi basta-basta sunggab nang sunggab sa proyekto that comes her way.

But like the lead stars of Starting Over Again na sina Piolo Pascual at Toni Gonzaga—their first screen tandem ever—direk Olive couldn’t afford to let the chance go off her hand.

Call it cosmic concurrence. A self-confessed fan of Piolo, noon pa pangarap ni Toni na makatrabaho si Inang Olive at ang actor. Kaya naman when casually told about their screen partnership, it caused Toni some sleepless nights, excited about the idea even if shooting hadn’t begun yet.

Same thing with Piolo na unang nakasama si Toni sa isang softdrink commercial 13 years ago. Kaya naman when Toni moved in to ABS-CBN, he vowed he would be supportive of her career.

Starting Over Again is actually of an oft-used genre: dalawang nilalang na nag-iibigan, nagkahiwalay at muling nag-krus ang landas. So will love ensue again?

But based on the trailer, gusto naming isipin na ang gasgas nang plot na ito ay nabigyan ng fresh attack ni direk Olive as she did in her past movies that also tackled time-worn tales of romance.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …