Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bb. Pilipinas 2014 candidates, ipinakilala na!

020514 Bb Pilipinas Candidates
ni  James Ty III
IPINAKILALA na ang 40 kandidata para sa ika-51 na pagdaraos ng Bb. Pilipinas Beauty Pageant ngayong taong ito.

Noong Biyernes ay pormal na ipinakilala ang mga kandidata sa mga nag-shopping sa Araneta Center bilang pagdiriwang ng Chinese New Year.

Kasali sa mga kandidata ang mga dating runner-up na sina Mary Jean Lastimosa at Pia Wurtzbach na naging artista rati ng ABS-CBN Star Magic.

Sisikapin nina Mary Jean at Pia na maka-jackpot sa pageant tulad ng nangyari kina Venus Raj at Janine Tugonon na ilang beses na natalo bago sila sinuwerte at naging runner-up pa sa Miss Universe.

Sa mga baguhang kandidata, ilan sa mga paborito ay si Nicole Manalo, ang kapatid ng dating Bb. Pilipinas na si Bianca Manalo, pati na rin ang radio DJ at newscaster na si Carla Jenina Lizardo.

Sa nasabing pageant ay pipiliin ang mga papalit kina Miss Universe 2013 3rd runner up Ariella Arida, Miss Supranational Mutya Johanna Datul, at Miss International Bea Rose Santiago.

Gagawin ang coronation night ng Bb. Pilipinas 2014 sa Marso 30, Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum at ipalalabas sa ABS-CBNpagkatapos ng Gandang Gabi Vice.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …