Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Toni, natutulala sa kissing scene nila ni Piolo!

ni  Maricris Vadlez Nicasio

TILA walang kamali-malisya ang paglalarawan ni Toni Gonzaga sa lovescene nila ni Piolo Pascual, sa Starting Over Again na showing na sa Pebrero 12 mula sa Star Cinema at idinirehe ng isa sa magagaling na director, si Olive Lamasan.

Aniya, “Scandalous ang lovescene namin.  It’s very nice. It’s naughty but very, very nice.”

Tulad ni Toni, marami rin ang naghihintay sa pagsasamang ito nila ni Piolo. Labintatlong taon na pala iyong una nilang pagsasama ng actor nang gumawa sila ng commercial.

Kakaibang love story ang Starting Over Again sapagkat nangangahas itong baguhin ang paniniwala na bawat romantic film ay dapat magkaroon ng “happily ever after” para sa mga karakter nito. Naglalayong ipakita ng pelikula ang katotohanan na bawat desisyon ng tao ay may kaukulang epekto na dapat tanggapin ng sinoman at hindi lahat ay pinagpala na magkaroon ng ikalawang pagkakataon sa pag-ibig.

Ang Starting Over Again ay nakasentro kina Ginny (Toni) at Marco (Piolo) na dating magkasintahan na may “unfinished business” na dapat nilang tapusin para sa kanilang relasyon.

Kaya sa pagsasamang ito nina Toni at Piolo, natapos na ang napakatagal na paghihintay sa kauna-unahang pagkakataon sa “long overdue romantic comedy” na ito.

Samantala, ibinuking naman ni Direk Olive si Toni na natutulala ito kapag kissing scene na nila ni Piolo. Hindi raw kasi talaga komportable si Toni sa mga kissing scene.

Bago pa nga raw kunan ang eksena, maraming katanungan si Toni na kung dapat nga ba iyon at kung paano ang gagawin niya.

At nalaman din namin kay Toni na, “’Di ako nakatulog, ‘di ako mapakali,” sa unang araw daw ng kanilang shooting.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …