Monday , December 23 2024

Illegal gambling sa Metro Manila Part 1

KUNG may isang makapagpapatunay sa kakulangan ng National Capital Region Police Office (NCRPO), ito ay ang pagiging talamak ng video karera, sacla (Spanish card game), horse-race bookies, at lotteng sa mga lansangan sa Metro Manila.

Kahit ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Philippine National Police (PNP), taliwas sa tawag dito, ay bigong matukoy ang mga operasyong kriminal gaya nito sa metropolis. O, kung sakali mang may alam sila, ayaw nilang makialam.

Dapat magsikilos ang mga police service command upang patunayan ang kakulangan, kawalang kakayahan o pagtanggi ng mga city police department na magpapatupad ng batas sa ilegal na sugalan dahil sa mga obvious nang dahilan.

Dahil dito, ako na mismo ang magti-tip kina Director Carmelo Valmoria, NCRPO Director, at Chief Superintendent Benjamin Magalong, CIDG chief, ng mainit-init pang mga impormasyon mula sa crime wave.

Sa pusod ng kabisera ng bansa, isang alamat sa negosyong pasugalan na kilala sa tawag na “Boy Abang,” na ang pangalan ay umaalingawngaw sa larangan ng horse-race bookies at lotteng operations, ang patuloy na namamayagpag sa kanyang mga operasyon sa Tondo. Ang negosyo niya ay pinangangasiwaan ng isang Lorna, na umano’y inaanak niya sa kasal. Samantala, tinitiyak naman ng kanyang bagman, isang Philip, ang plantsado nilang koneksiyon sa mga pulis.

Operators din ng horse-race bookie sina Obet Ignacio, alyas “Enteng,” Pasia at Paknoy, isang sarhento na nakatalaga sa NCRPO.

Protektado ni Sgt. Paknoy ang mga kapwa niya bookies na nag-o-operate sa ilalim ng kanyang pangalan basta wala silang palya sa pagbibigay ng padulas para sa mga corrupt na awtoridad.

Ang mga operator na ito ay sina Jeff at Anna sa Sampaloc area; Perry sa Pandacan; Rowena sa 5th District ng Maynila; at Deborah, na nangangasiwa sa negosyo ng beteranong gambling operator na si Apeng Sy sa Binondo at sa iba pang lugar sa ikatlong distrito ng lungsod.

Isa namang babae na kilala sa pangalang Nancy ang namamahala sa lotteng operation sa lungsod habang tumatabo naman nang limpak-limpak sina Gina at Romy Gutierrez sa pagpapakalat ng kanilang mga video karera machine sa Maynila.

Walang dudang kayang-kaya ni Senior Superintendent Rolando Nana, ang bagong talagang director ng Manila Police District (MPD), na sampulan ang mga gambling lord na dinedma lang ng kanyang mga sinusundan: tuldukan ang mga ilegal na negosyong ito.

***

Sa Quezon City, puwedeng usisain nina Generals Valmoria at Magalong kay Chief Supt. Richard Albano, Quezon City Police District (QCPD) director, kung ano ang ginagawa ng mga tauhan niya upang ipahinto ang mga operasyon nina Tata Ver at Don Ramon. Kapwa sila nag-o-operate ng horse-race bookie joints, pero naglo-lotteng pa si Don Ramon, na pinamamahalaan ng isang Jun Moriones.

***

May sarili namang operator ng mga ilegal na pasugalan sa Makati, gaya nina Toto Lacson, Enold at Baras, na may kani-kanyang bookies ng karera at lotteng.

Sa Pio del Pilar, Makati, isang Bob ang nag-o-operate ng saklaan, bukod pa sa kaparehong negosyo nina Ging at Lidas sa parehong lugar. May sarili rin saklaan si Rodel sa Evangelista.

Samantala, isa namang Rey Baba ang nagpopondo sa isang kakaibang laro na tinatawag na “terembe” sa may Guadalupe.

Sa Pasay, buong lungsod ang sakop ng lotteng operation nina Christian at Eric Castro. Si Len Aguado naman ang namamayagpag sa larangan ng bukis ng karera sa siyudad.

Ngunit wala nang makadaraig sa paghahari sa lotteng ni Rene Ocampo, na mas kilala sa kanyang company trademark na “RR.” Siya ang may pinakamalawak na operasyon sa apat na lungsod—Parañaque, Taguig, Pateros, at Las Piñas.

Isa pang big-time gambling operator si Jake Duling na nadodoble ang kita sa ilan niyang illegal gaming enterprises. Kasama ang kanyang partner, isa pang pulis na kilalanin natin sa pangalang Sergeant John M., at si “Nancy” (ang may negosyong lotteng sa Manila), pinangangasiwaan niya ang mga lotteng bookie at saklaan sa Las Pinas, umano’y malapit sa Simbahan ng Iglesia Ni Cristo.

Bukod dito, mayroon siyang mahigit 50 video karera machine na nakakalat sa mga lansangan ng lungsod.

Sobrang tapang ng kanyang apog sa pagmamantine ng nasabing mga ilegal na aktibidad dahil na rin sa umano’y pagiging malapit niya sa isang opisyal ng pulisya na tinatawag na “Colonel S.”

Bukod kay Sgt. John M., isa pang pulis ang sangkot sa negosyo ng video, si Jun Laurel, na nagkalat ang mga makina sa buong Taguig.

Samantala, kilalang-kilala naman ang lotteng ng grupong tinatawag na Four Aces sa Muntinlupa City, na ang mga saklaan ay pinangangasiwaan ng isang Walter at ng maybahay ng yumaong beteranong operator na si Poyong sa Barangay Cupang.

Hindi naman inaasahan ng Firing Line na mag-aala-Rambo sina Generals Valmori at Magalong. Sapat na po’ng patunayan n’yo kung ano ang magagawa ng seryoso at epektibong pagpapatupad ng batas laban sa mga gambling lord sa Metro Manila.

Sigurado ako’ng ito lang ang kinakailangan upang magsagawa ng mga pag-aresto ang mga pulis—lalo na dahil si Director-General Alan Purisima ang PNP chief.

Isa-isa n’yo na po silang sipatin, mga General. Nailatag na po sa harap n’yo ang mga target.

***

SHORT BURSTS. Dahil sa kakapusan ng espasyo, sa susunod na kolum na natin sa Martes idedetalye ang mga gambling lord sa hurisdiksiyon ng Northern Police District at Eastern Police District…

Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

Robert B. Roque, Jr.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *