Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bunutan sa FIBA World Cup gagawin ngayon

GAGAWIN ngayong madaling araw, oras sa Pilipinas, ang bunutan para sa mga braket para sa FIBA World Cup sa Espanya.

Kinatawan ng Pilipinas sa bunutan ang head coach ng Gilas Pilipinas na si Vincent “Chot” Reyes, kasama ang team manager na si Salvador “Aboy” Castro.

Malalaman na sa nasabing bunutan kung saang grupo ilalagay ang Gilas ngayong kumpleto na ang 24 na bansang kasali sa torneo sa pangunguna ng punong abalang Espanya at ang defending champion na Estados Unidos na pinagbibidahan ng mga NBA superstars tulad nina LeBron James at Kevin Durant.

“It doesn’t matter kung saan kami ilalagay,” wika ni Reyes. “It’s good to be bracketed with the US para makalaban natin … Pero hindi ko na iniisip ‘yun. Ang iniisip ko, sana may team na ako. My thoughts now is to have a team. I hope that we will have a well-prepared team.”

Kasali rin sa torneo ang iba pang mga qualifiers mula sa mga FIBA tournaments tulad ng Iran, South Korea, Angola, Argentina, Australia, Croatia, Dominican Republic, Egypt, France,  Lithuania, Mexico, New Zealand, Puerto Rico, Senegal, Serbia, Slovenia at Ukraine.

Nakapasok naman bilang mga wildcard ang Brazil, Finland, Greece at Turkey.

Hindi nakapasok ang Tsina bilang wildcard pagkatapos na umatras ito dulot ng problema sa kanilang koponan na pumalpak sa huling FIBA Asia noong Agosto dito sa Pilipinas.

Hindi rin kasali ngayong taong ito ang Alemanya, Italya at Canada.

Pagkatapos ng bunutan, dadalo sina Reyes at Castro sa gym at training facilities na gagamitin ng Gilas sa kanilang pagbiyahe sa torneo.

Umaasa rin si Reyes na magiging punong abala ang Pilipinas sa FIBA World 3×3 ngayong taong ito at ang susunod na qualifier ng FIBA Asia para sa 2016 Olympics sa Rio de Janeiro, Brazil.

Naghahanda ngayon ang SBP, sa tulong ni Rep. Robbie Puno ng Antipolo, ang pag-naturalize ng mga manlalaro ng NBA na sina JaVale McGee at Andray Blatche para makasama sila sa lineup ng Gilas para sa World Cup.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …