Saturday , January 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 holdaper bugbog-sarado sa taong bayan

Pinagtulungan bugbugin ng taong bayan ang dalawang hol-daper sa Sampaloc, Maynila, Lunes ng madaling araw.

Kinilala ang mga suspek na sina Reynald Jose, 23-anyos at Brenhar Castillo, walang  tiyak na tirahan.

Kwento ni “Johanna,” isa sa mga biktima, sumakay sila sa jeep na biyaheng Cubao nang biglang magdeklara ng holdap ang mga suspek sa bahagi ng Lerma.

Natangay ng mga suspek ang cellphone ni “Johanna” ga-yondin ang sa iba pang mga pasahero at kanilang mga bag.

Ayon kay Kagawad Jonnel Samson ng Barangay 464 Zone 46, isa sa mga nagresponde, nakapwesto sila malapit sa pinangyarihan ng krimen nang marinig nilang humihingi ng tulong ang mga biktima.

Noon hinabol ng taong ba-yan ang mga holdaper saka kinuyog.

Ani Samson, tinangka siyang saksakin ni Castillo pero napigilan ng isa sa mga res-ponde.

Paliwanag ng kagawad, ginagawang daanan ng mga hol-daper ang kanilang lugar dahil may lagusan doon dito patu-ngong Central Market at Blumentritt.

Narekober kina Castillo at Jose ang dalawang balisong at gamit ng mga biktima maliban sa cellphone ni “Johanna” na pinaniniwalaang naipasa na sa iba pang kasabwat ng dalawa.

Nagmakaawa sa mga biktima ang dalawang nadakip at nabugbog suspek pero sasampahan pa rin sila ng kaukulang kaso sa Manila Police District Sampaloc police station na pinamumunuan ni Supt. Christian Dela Cruz.

(LEONARDO BASILIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …