ni Roland Lerum
INULAN ng maraming intriga si Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr. pagkatapos niyang mag-privilege speech sa Senado noong Enero 20. Lumutang ang mga kakampi ng mga “kalaban” niya. Hindi raw siya nag-stick sa isyu at pinuntirya ang Pangulo.
Pero para kay Sen. Bong, ‘yon ang totoo at kahit sino ang masagasaan niya, basta nasabi niya ang kinikimkim ng loob niya, sasabihin niya. Rito kami bumilib sa kanya. Hindi lang siya matapang sa pelikula. Pati rin sa politika.
Ngayon naman, idinadawit pati ang tatay niyang si Ramon Revilla, Sr.
Ayon sa DOJ mula sa whistleblower din ni Bong, ang dating senador Ramon Sr. ay ginamit din daw ang pork barrel ng mga NGO’s ni Napoles at nakakuha ng humigit kumulang P35-M.
Pinag-aaralan pa kung sasampahan din siya ng kasong plunder.
Reaksiyon naman ni Bong, “Matanda na ang tatay ko, maysakit at naka-wheel chair pa, bakit naman pati siya?”