Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Reyes ayaw munang pag-isipan ang mga kano

NASA Espanya ngayon ang head coach ng Gilas Pilipinas na si Chot Reyes upang dumalo sa bunutan para sa FIBA World Cup na gagawin doon bukas ng madaling araw, oras sa Pilipinas.

Malalaman na sa nasabing bunutan kung saang grupo ilalagay ang Gilas ngayong kumpleto na ang 24 na bansang kasali sa torneo sa pangunguna ng punong abalang Espanya at ang defending champion na Estados Unidos na pinagbibidahan ng mga NBA superstars tulad nina LeBron James at Kevin Durant.

”It doesn’t matter kung saan kami ilalagay,” wika ni Reyes. “It’s good to be bracketed with the US para makalaban natin … Pero hindi ko na iniisip ‘yun. Ang iniisip ko, sana may team na ako. My thoughts now is to have a team. I hope that we will have a well-prepared team.”

Kasali rin sa torneo ang iba pang mga qualifiers mula sa mga FIBA tournaments tulad ng Iran, South Korea, Angola, Argentina, Australia, Croatia, Dominican Republic, Egypt, France,  Lithuania, Mexico, New Zealand, Puerto Rico, Senegal, Serbia, Slovenia at Ukraine.

Nakapasok naman bilang mga wildcard ang  Brazil, Finland, Greece at Turkey.

Hindi nakapasok ang Tsina bilang wildcard pagkatapos na umatras ito dulot ng problema sa kanilang koponan na pumalpak sa huling FIBA Asia noong Agosto dito sa Pilipinas.              (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

PSC

Nakahanda na ang lahat para sa Pilipinas sa pagsisimula ng ika-13 ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA, Thailand – Nakahanda na ang lahat para sa Pilipinas sa pagsisimula ng ika-13 …