Thursday , November 14 2024

PNoy guguluhin ni Erap, pati SC pinagbabantaan

“THERE will be a de-vastating public uproar.”

Ito ang pagbabanta laban sa Supreme Court (SC) na pinakawalan ng PR man nang pinatalsik na pangulo at sentensi-yadong mandarambong na si Joseph “Erap” Estrada kapag nadeklarang diskuwalipikado bilang kandidatong alkalde ng Maynila ang kanyang amo.

Sa kanyang pitak na lumabas sa People’s Journal noong Enero 25, walang pakundangang sinabi ni Gutierrez na hindi gagalawin ng Supreme Court ang disqualification case laban kay Erap, at tama lang aniya ito dahil, “Malaking disgrasya if he’ll be disqualified.”

Alam ba ng bigotilyong “garapata” ni Erap na puwede siyang i-contempt ng Korte Suprema dahil sa tahasan niyang pakikialam at nagbabanta pa siya kapag hindi pumabor sa kanyang amo ang desisyon ng Kataas-taasang Hukuman?

May A-1 info rin na nakarating sa atin na kamakailan ay pinulong ni Erap sina Councilor Dennis Alcoreza at pamangkin niyang si Laguna Gov. ER Ejercito para magmobilisa ng mga taong gagamitin nila sa ilulunsad na rally kapag pina-boran ng Korte Suprema ang disqualification case laban sa kanya.

Batid kasi ni Erap na sinuway niya ang conditional pardon na ipinagkaloob sa kanya ni da-ting Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, at hanggang ngayon, hindi pa rin niya naibabalik nang buo sa kaban ng bayan ang ipinasasauli sa kanya ng Sandiganbayan na P542.8 milyon jueteng money sa Erap Muslim Youth Foundation, at ang P189 milyong Jose Velarde account, at  labag sa Section 2 Article 36 at Section 3 Article 41 ang kanyang kandidatura bilang al-kalde ng Maynila.

Halagang P80-M ang mansion sa Sta. Mesa, Manila na binili ni Erap para lang masabing taga-Maynila siya, bakit hindi niya maisauli ang dinambong kay Juan dela Cruz?

Kaya walang basehan ang alegasyon ni Erap na ginigipit siya ni PNoy, bagkus ay nagtataka pa nga ang publiko kung bakit hinihiya niya ito at kinakalaban ang ‘foreign policy’ na hindi hihingi ng paumanhin sa Hong Kong bunsod ng 2010 Luneta hostage crisis.

Si Erap ang nagtatamasa ng mga pribelehiyo sa ilalim ng adminitrasyon ni PNoy, dahil kahit bawal, pinayagan siyang kumandidatong mayor ng Comelec, hindi pa siya inoobliga ng Office of the Solicitor General (OSG) na ibalik sa National Treasury ang dinambong niyang pera ng bayan at hanggang ngayon, ay wala pang desisyon ang SC sa disqualification case niya, kahit marami nang nadesisyunang disqualification case ang Korte Suprema “with finality.”

Kung lalagay lang sa tamang katuwiran ang Hong Kong, siguradong hindi ito makikipag-usap sa isang “de facto mayor” na ginagamit lang ang Luneta hostage crisis para guluhin ang relasyon nila sa Filipinas at pangalagaan ang pansariling interes upang hindi makulong ang kanyang pamilya sa kasong pandarambong.

Kaya kay Erap, na nanghihimasok sa isyu, dapat magalit ang mga kababayan nating overseas Filipino workers (OFWs) sa Hong Kong.

IMPAKTO, ESTE, “DE FACTO”

MANILA MAYOR SI ERAP?

KUNG tutusin ay maraming batayan para madiskuwalipika si Erap, nariyan  ang en banc decision ng Korte Suprema noong Hunyo 25, 2013 na iniakda ni Chief Justice Ma. Lourdes Serreno sa disqualification case laban kay Svetlana Jalosjos bilang kandidatong alkalde ng Baliangao, Misamis Occidental.

Anang SC,” The cancellation of the certificate of candidacy of an ineligible candidate who has assumed office renders the officer a de facto officer.”

Diniskuwalipika rin ng Korte Suprema si Dominador Jalosjos Jr. bilang Dapitan City mayor noong Oktubre 2012 dahil mula sa umpisa (ab initio) ay hindi naman siya kuwalipikadong kandidato dahil sentensiyado siyang kriminal kaya’t sa simula pa lang ay hindi siya itinuturing na kandidato.

Sabi ng SC: “If the certificate of candidacy is void ab initio, then legally the person who filed such void certificate of candidacy was never a candidate in the elections at any time. All votes for such non-candidate are stray votes and should not be counted. Thus, such non-candidate can never be a first-placer in the elections. If a certificate of candidacy void ab initio is cancelled on the day, or before the day, of the election, prevailing jurisprudence holds that all votes for that candidate are stray votes. If a certificate of candidacy void ab initio is cancelled one day or more after the elections, all votes for such candidate should also be stray votes because the certificate of candidacy is void from the very beginning.”

Ang iniluklok na mayor, kapalit ni Jalosjos Jr. ay ang katunggali niyang si Agapito Cardino na de jure o legal na kandidato.

Napakalinaw na ang disqualified na kandidato ay de facto (illegal), ‘yung de jure (legal na kandidato) o ang kuwalipikadong kandidato na nakakuha ng pinakamaraming boto ang uupo kapalit ng de facto.

Ito rin ang naging pasya ng SC noong Hulyo 2, 2013 sa Maquiling vs Comelec, nang idiskuwalipika bilang kandidato si Kauswagan, Lanao del Norte Rommel  Arnado at ang pinaupong kapalit niya ay ang nakatunggaling si Casan Maquiling.

PAALAM, CHAIRMAN THELMA M. LIM

PUMANAW na ang kaibigan nating si Kgg. Thelma  Mantchan Lim, ang butihing chairwo-man ng Bgy. 310, Zone 31 (3rd Dist., Manila) nitong nakaraang Sabado (Feb. 1).

Si Chairman Lim, 54, ay outstanding barangay executive ng Maynila at dahil sa kanyang matapat na panunungkulan ay muli siyang nahalal noong Oktubre 2013.

Ang kanyang labi ay nakalagak sa Arlington G., Arlington Memorial Chapel, Araneta Ave., Quezon City hanggang sa itinakdang cremation sa Sabado (Feb. 8), 8:00 am.

Sa kanyang mga naulila, taos-puso po ka-ming nakikiramay.

Para sa reklamo, suhestiyon at  komentaryo tumawag o mag text  sa 09158227400 / Email: [email protected]

Percy lapid

About hataw tabloid

Check Also

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *