Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jodi, kapuna-puna ang pagiging sexy at fresh’

ni  Pilar Mateo

SIYA ang pinakabagong mukha ng Flawless at siya ang mag-e-endorse ng Cell Booster Infusion Mask na bagong ini-introduce ng CEO nito na si Rubby Sy.

Ayon sa CEO na walang patumanggang nagpakawala ng P150K sa press sa launch ni Jodi Sta. Maria as Flawless endorser, ang isang nagustuhan nila sa aktres eh, ang pagiging caring nito sa karakter niya as Maya sa Be Careful with my Heart na extension naman daw ng kung ano talaga siya sa tunay na buhay—sa pamilya, lalo na sa anak na si Thirdy.

Eh, kung ganoon na nga raw ito sa mga taong malalapit sa buhay niya tiyak pagdating naman daw salove life niya kay Jolo Revilla eh, lalong flawless ang ikot ng pagtitinginan nila.

Marami nga ang nagulat sa humarap na Jodi sa press kasi naman, sexy at fresh na fresh.

“Sa trabaho namin, puyatan talaga ang labanan. Kaya thankful ako na mayroong ganitong produkto ang Flawless dahil malaking tulong talaga. Mask siya na may apple growth factors na siyang nagno-nourish sa balat mo kaya fresh ang resulta. Makinis at saka mas tight. And kung agad-agad ang effect that you want, ito na nga ‘yun.”

Kaya kung gusto natin ng Alagang Flawless, bisitahin ang sangkaterba nilang clinics in most of the sikat na malls all over.

Baka makasabay niyo pa si Jodi and other stars na nagtitiwala sa beauty regimen ng Flawless!

Tirso, lalong hahangaan sa When I Fall in Love

NA-WATCH na namin ang When I Fall in Love na bahagi ng apat na full length movies ngStudio5 Original Movies ng Kapatid Network na matutunghayan sa apat na Martes ng Love Month na Pebrero.

Si Tirso Cruz III sa papel niya bilang asawa ni Nora Aunor ang lubusang napansin ang pagganap sa nasabing pelikula na idinirehe ni Joel Lamangan na mapapanood sa Pebrero 11.

When asked sa muli nilang pagtatrabaho ni Pipo, aliw na aliw si Mama Guy sa kuwento niya dahil kahit daw na napakaseryoso ng kanilang mga role, nagkakatawanan pa rin naman daw sila sa maraming bagay.

In fairness, sa kiss nila sa isang scene aba! may kilig pang naramdaman ang nagtiliang Noranians, na siguro naman sa date at time na ‘yun eh, hindi na aalis sa tabi ng mga TV sets nila ‘no!

Aabangan din ang tatlo pang Tuesday offerings nila sa February 4, ang  The Lady Next Door(Alice Dixon and Mark Neumann); The Replacement Bride (Jasmine Curtis Smith and Daniel Matsunaga) on February 18; at Bawat Sandali  naman sa February 25 featuring Angel Aquino, Yul Servo and Derek Ramsay.

Ang bibigat ha! Sabi nga ni Ms. Wilma Galvante, nais nilang maiba ang programming ng TV5 para may abangan talaga ang mga tao. Kaya may araw ang sports, may araw para sa comedy, at maging sa drama.

So, don’t miss these movies!

Naku, another category na naman ito sa mga award-giving bodies, sa TV.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …