Wednesday , November 13 2024

Invalidated city officials

As it is written: No eye has seen, no ear has heard, no mind has conceived what God has prepared for those who love him.—1Corinthians 2: 9

MARAMI palang appointees na opisyales sa Manila City hall na invalidated o ibinasura ng Civil Service Commission (CSC) dahil sa kakulangan ng kuwalipikasyon, kredensyal o merito na pamunuan ang isang ahensya, departamento, bureau’s, offices at iba pa sa Maynila.

Kabilang umano riyan sina Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) chief Carter Logica, Manila Barangay Bureau (MBB) chief Jesus Pa-yad, ang dalawang hepe ng Manila North at South Cemetery na sina Rafael Mendez at isang Dandan.

***

HINDI rin nakaligtas dito sina Universidad de Manila President Dr. Benjamin Tayabas at Pa-mantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) President, ex-Justice Secretary Artemio Tuquero.

Marami pang ‘bagsak’ sa criteria ng CSC ang hindi muna natin papangalanan dahil sinusubukan na nilang mag-review at baka raw makapasa at maging eligible sa Civil Service.

Aysus, ginoo!

***

HALIMBAWA na nga sina Tabayas at Tuquero, kapwa hindi na kuwalipikado bilang university president.

Kung matatandaan noong Enero, 16, 2009, imvalidated o binalewala na noon ng CSC ang appointment ni Tuquero bilang Presidente ng City College of Manila (CCM)

***

SA inisyu ni CSC-NCR Regional Director Arturo Panaligan sa kanyang Resolution No. 021228 na may petsang Setyembre 24, 2002 nakasaad din ang pagiging invalidated ng appointment ni Ka Temyong, kaya naman tumalima agad noon si Mayor Alfredo Lim at agad pinalitan si Tuquero sa CCM.

BAKIT NAILAGAY PA SA PLM?!

PERO nakapagtataka itinalaga naman siya ngayon bilang Pangulo ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM).

Masunurin sa batas si Mayor Lim kaya sinibak niya si Tuquero sa CCM, pero ibinalik ng kasalukuyang administrasyon at sa PLM naman inilagay.

Sino ang padrino ni Ka Temyong?

NALAMAN natin na walang doctorate deg-ree si Tuquero na pangunahing kwalipikasyon para maitalaga bilang university president sa ilalim ng guidelines ng Commission on Higher Education (CHED).

Ibinasura ng CSC ang una ni-yang appointment sa UDM dahil sa kaparehong kadahilanan.

Bukod pa rito, 82-anyos na po si Manong Temyong, sobrang senior!

SELF-SERVING MEMO

PERO dahil nga nasa balag ng alanganin ang kanyang appointment, aba, si Ka Temyong ay naglabas ng self-serving memorandum na nagsasaad na pigilan nang magsumite ng mga appointment papers ang mga opisyales at kawani ng PLM para sa aprubas-yon ng CSC, kabilang ang kanyang appointment.

Paniwala ni Ka Temyong, ang PLM ay exempted sa CSC Rules at ang pagpapadala ng mga appointment papers sa ahensiya ay para impormahan lamang at hindi dapat isailalim sa pagsusuri ng CSC.

Aysus!

***

DAHIL sa kanyang kuwestyonableng memo, naitalaga niya ang isang Dr. Elena Cernias bilang Dean ng PLM College of Management and Entrepreneurship (CME) at ng Gra-duate School of Management (GSM).

Ito ay sa kabila na na-dismis ito dahil sa mga kinasasangkutang kaso ng grave misconduct at gross neglect of duty, noong konektado pa ito sa UDM.

***

MALINAW ito sa sertipikasyon na nilagdaan ni Atty. Jose Alberto Flaminiano, city legal officer na may petsang Agosto 16, 2013 na nagsaaad na si Dr. Cernias ay sinibak sa ser-bisyo base sa ipinalabas na desisyon noon ni Mayor Lim na may petsang Abril 12, 2002.

Napatunayan na si Dr. Cernias ay “guilty of grave misconduct, serious dishonesty, gross 2neglect of duty, violations of Section 4 A )a), (b) of Republic Act 6713 o Code of Conduct of Public Officials and Employees. Kanselado ang lahat ng kanyang benepisyo at eligibility sa gobyerno.

Mayroon pang perpetual disqualification in holding public office!

***

HETO pa, dahil sa memo, ini-appoint ni Ka Temyong ang isang Dr. Virginia Santos, bilang Executive Vice President, kahit na ito ay retirado na sa gobyerno!

Naku mga Kabarangay, marami pa palang inilagay si Ka Temyong sa puwesto sa PLM sa puwesto na kuwestyonable ang kuwalipikasyon at karamihan ay wala pa sa plantilla.

Ibig sabihin may “ghost employees” din daw sa PLM! Ehek!

***

HINDI natin alam kung paano reremedyohan ng mga opisyales ng Maynila ang mga ga-nitong pagsusuri ng CSC.

Sa totoo lang, mabigat na usapin ito. Masisira ang professionalism at accountability ng mga nasa nanunungkulan sa gobyerno kapag hindi agad naresolba ang isyung ito.

Hintayin natin ang aksyon ng Pangulong Erap, abangan!

Para sa anumang komento, mag-e-mail lamang sa [email protected] o mag-text sa 0932-321-4355. Ang ating kolum ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes.

Chairwoman Ligaya V. Santos

About hataw tabloid

Check Also

Roselio Troy Balbacal

Part time actor-businessman Troy itutuloy pagtulong sa TUY, Batangas 

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging kagawad, tatakbo namang konsehal ng TUY, Batangas ang part time actor, …

Ivana Alawi Mona Alawi

Ivana Alawi nanggigil, napamura sa mga nanlait sa bunsong kapatid 

MATABILni John Fontanilla HINDI naiwasang mapamura ng actress-vlogger na si Ivana Alawi sa sobrang galit sa mga basher …

Francine Diaz Malou de Guzman

Lola ni Francine nangangagat ‘pag naglalambing

RATED Rni Rommel Gonzales ANG lola niya ang dahilan ni Francine Diaz para tanggapin ang pelikulang Silay. Tulad …

Tessie Tomas

Tessie Tomas sinita batang aktor na laging hawak ang gadget sa taping

RATED Rni Rommel Gonzales MADALAS na tanong namin sa mga beterano o senior stars ay …

Zanjoe Marudo Ria Atayde How to Get Away from my Toxic Family

Zanjoe iginiit ‘di itinatago ang anak nila ni Ria — Masyado pang bata

MA at PAni Rommel Placente PAGKATAPOS ng dalawang taong hindi gumagawa ng pelikula, muling mapapanod …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *