Friday , November 15 2024

Direk Vince, nag-daring sa pelikulang Esoterica Manila

ni  Nonie V. Nicasio

MULA sa critically acclaimed first movie ni Direk Vince Tañada titledOtso, isang bagong hamon na naman sa kakayahan niya ang next project ng award winning stage actor/director na pinamagatang Esoterica Manila.

Ito ang launching project ng singer na si Ronnie Liang at mula sa pamamahala ni Direk Elwood Perez. Maselan ang tinatalakay ng pelikula kabilang na ang hinggil sa LGBT o Lesbians, Gays, Bisexuals and Transgenders.

Nang makapanayam namin si Direk Vince, inusisa namin kung gaano siya ka-daring dito. “Sobrang sexy, baka matanggal ako sa pagiging abogado,” pabirong sagot sa amin ng top honcho at CEO and founder ng Philippine Stagers Foundation.

“Sex drama ito. I play a struggling indie actor sa movie na gumagawa ng vampire film. Medyo daring ang role. But the sex scenes in the movie are necessary, integral parts of the movie. I can’t say no to it because I know it will further and develop the story. I just appealed to Direk Elwood that it will be done in good taste, just like what we did in Otso.

“I am a lawyer by profession and a well respected theater artist and writer, I know that film is a cruel media, so I am hoping that the sex scenes will be artistic at hindi bastusin,” dagdag pa ni Direk Vince na isang Palanca awardee.

Sinabi rin niya ang ginawang paghahanda para sa Esoterica Manila. “I go to the gym everyday to prepare. Kahit na sobrang busy sa mga plays, I make sure that I keep myself healthy.”

Kasama rin sa pelikula sina Ms. Boots Anson Roa, Snooky Serna, Lance Raymundo,  Carlos Celdran, at iba pa.

Hinggil naman sa kanyang pagiging alagad ng teatro, kumbinsido kami kung gaano niya ito kamahal at kung gaano siya ka-dedicated dito. Ilang ulit na kasi namin siyang napanood sa Bonifacio, Isang Zarzuela at Pedro Calungsod: The Musical, either bilang bida at director or as a direktor lang. At ang masasabi ko, nakakabilib na kada natatapos ang pagtatanghal ng PSF, lagi na ay ilang standing ovations ang ibinibigay sa kanila ng mga manonood na karamihan ay mga estudyante.

About two weeks ago ay suwerteng nagkaroon ako ng chance na maisama sa Bonifacio play ni Direk Vince ang aking Tatlong Maria sa SM North EDSA, Cinema 9. At gaya ng inaasahan ko, na-appreciate ng aking mga anak ang play ni Direk Vince at ang galing ng mga PSF. Highly recommended talaga ang play na ito na sa more or less dalawang oras na panoood, marami kang matutunan ukol sa kasaysayan ng Pilipinas, kay Gat Andres Bonifacio at sa iba pa nating bayani.

Kaya hindi nakapagtataka kung so far, ang Bonifacio, Isang Zarzuela ang pinakamatagumpay na pagtatanghal ng PSF. Ayon kay Direk Vince, more than half a million na ang nakapanood nito na karamihan ay mga kabataang estudyante at mga guro. Lagpas 400 shows na ang nagawa nila at halos naikot na nila ang buong Pilipinas sa pagtatanghal nito.

Kagagaling lang ng PSF sa Bicol at nagbalik sila sa SM North last Sunday (Feb. 2), tapos ay sa Tuguegarao naman sila mapapanood. Narito ang schedules nila for February:

February 3-6, Monday-Thursday, Tuguegarao (Bonifacio), Cagayan State University on February 4, 8am, 11am, 2pm, 5pm and University of Cagayan Valley on February 5, 10am, 2pm; February 7, Friday, Colegio de San Juan de Letran, Manila (Bonifacio), 8am, 11am, 2pm; February 9, Sunday SM North Edsa Cinema 9 (Bonifacio), 8am, 11am, 2pm; Feburary 12, Wednesday, Bataan (Bonifacio) 10am, 2pm; February 15, Saturday, SM North Edsa Cinema 9 (PSF Valentines’ Concert featuring the BRADZ and BEAT-GIRLS), 10am, 1pm, 4pm;

February 16, Sunday, St. Scholastica (Ang Bangkay) 10am, 2pm, 5pm; February 18, Tuesday, Batangas City (Bonifacio) Batangas State Univ., 10am, 2pm; February 21, Friday, Tanghalang Pasigueno (Pedro Calungsod) 8am, 11am, 2pm

February 22, Saturday, GMA Cavite (Bonifacio), 8am, 11am, 2pm; February 23, Sunday SM Centerpoint Cinema 1 (Bonifacio) 7am, 10am, 1pm, 2pm; February 24-26, Monday-Wednesday, Cagayan de Oro City (Bonifacio) The Atrium, 8am, 11am, 2pm.

About hataw tabloid

Check Also

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Evelyn Francia Nick Vera Perez

Evelyn Francia, NVP1World’s International Inspirational Wonder

PINATUNAYAN ni Evelyn O. Francia na hindi balakid ang edad para abutin ang pangarap.  Sa edad 67, …

Roselio Troy Balbacal

Part time actor-businessman Troy itutuloy pagtulong sa TUY, Batangas 

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging kagawad, tatakbo namang konsehal ng TUY, Batangas ang part time actor, …

Ivana Alawi Mona Alawi

Ivana Alawi nanggigil, napamura sa mga nanlait sa bunsong kapatid 

MATABILni John Fontanilla HINDI naiwasang mapamura ng actress-vlogger na si Ivana Alawi sa sobrang galit sa mga basher …

Francine Diaz Malou de Guzman

Lola ni Francine nangangagat ‘pag naglalambing

RATED Rni Rommel Gonzales ANG lola niya ang dahilan ni Francine Diaz para tanggapin ang pelikulang Silay. Tulad …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *