Monday , December 23 2024

Chinese businessmen’s organization ginagamit sa Tax hike

00 Bulabugin JSY

NAG-AALBOROTO ang mga tunay na negosyanteng Chinese sa lungsod ng Quezon City dahil sa pagkatig ng isang nagpapakilalang executive vice president umano ng Quezon City Association of Filipino–Chinese Businessmen Inc., na si Daniel Maching ‘este’ Ching, na pabor daw sila sa pagtataas ng business tax sa nasabing lungsod.

Desmayado kay Ching, ang mga nagsabing sila ang tunay na negosyante, may puhunan, may lehitimong negosyo, nagbibigay ng trabaho, tumutulong sa pagpapatakbo ng ekonomiya ng lungsod  at higit sa lahat nakatutulong sa pagpapasigla ng kalakalan sa buong bansa.

“Hindi siya ang presidente namin bakit siya ang nagsasabing pabor kami sa tax hike na masyadong oppressive at excessive,” anang isang negosyanteng Chinoy sa Kyusi.

Dahil umano sa pagsisipsip ni Ching kay Mayor Herbert Bautista ay masyadong nasasakripisyo ang kalagayan at interes ng mga negosyante.

Sabi pa nila, “hindi kami mga private contractor na umaasa sa katas ng government projects.”

“We are manufacturer, merchants, food producers, and helping the other industry to boost our economy, e bakit kami ang ginigipit nila?”

Sinabi rin ng mga businessman na matagal na silang nagtitiis sa kalagayan nila bilang maliliit na negosyante, ang dapat nga e suportahan sila ng gobyerno o magkaroon ng programa ang gobyerno kung paano sila tutulungan.

Pero ang nagyayari umano, ‘pinipiga’ na nga sila ‘e mukhang gusto pa silang simotin nang husto.

Nauna nang sinabi ni Ching sa panayam na,  “We can see the quality service provided by the Quezon City government to the residents, so we are willing and we understand.”

Sinabi niya ito sa pagdiriwang ng Chinese Lunar New Year sa Chinatown ng Kyusi nakaraang Biyernes.

Pai wah!!!

Ito ay sa kabila na dumaing na ang Quezon City chapter ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI)  na posibleng maraming negosyo ang magsara sa pagpapatupad ng 10 percent increase sa business taxes.

Ayon kay Carl Balita, PCCI Quezon City chapter president,  “oppressive and excessive” ang nasabing tax hike kaya dapat lang na ipatigil ang implementation.

Tsk tsk tsk …

Mayor Herbert Bautista, galit ang mga Chinese businessmen … sa palagay mo ba ay tamang tao ‘yang kinakausap mo?!

Pag-isipan n’yo muna ‘yan!

Remember, 2016 is coming.

TATA BONG NUMBER 1 BAGMAN – KOTONG COP NG MPD
 (ATTN: MPD OIC SR/SUPT. ROLANDO NANA)

INUTIL lang daw ang mga papoging direktiba ni ousted President Mayor Erap Estrada kaugnay sa ipinagmamalaki nilang WALANG KOTONG sa lungsod ng Maynila.

Pinagtatawanan nga raw ng mga pulis sa MPD. E paano naman daw hindi sila matatawa e lagareng hapon pa rin ang kolektong ni alyas TATA BONG KRUS sa pobreng vendors sa Divisoria para sa MPD PS-11.

Kinokopo na rin n’ya ngayon ang intelihensya ng ilang MPD police station sa Pandacan, Tondo 1 at Tondo 2. No wonder kaya pala ang mga napwestong ‘este’ napwesto na sina PS1 Kernel Anunuevo, PS7 Kernel Bernal at PS10 Kernel Opriasa ay si Tata Bong ang pumapapel na katiwala sa kolektong!? Nakotong ‘este’ nakuha ni Tata Bong Tong ang pagiging BAGMAN ng MPD PS1 (TONDO1) at PS7 (TONDO2) na parehas namumutiktik ngayon sa mga illegal gambling 91602) ng mga ANTIGONG GAMBLING LORD na sina BOY ABANG SIMBULAN at BOOKIES KING and QUEEN Lespu TATA PAKNOY PRESNEDI at EDNA  ‘ENTENG/TONTON’  D. ROSARIO maging si BOOKIES PRINCE PASYA. HINDI rin lalagpas kay TATA BONG TONG ang mga nagkalat na DEMONYONG VIDEO KARERA sa TONDO1 at 2. Labis na nag-aalala ang residente sa Pandacan dahil sa balitang mag-uumpisa na naman ang paihi sa kanilang lugar dahil sa basbas ni Tata Bong Tong!?

By the way Manila City Ad Atty. Samuel Garcia, ALAM mo ba na pati ang pangalan mo ay kinakaladkad ng tarantadong Tata Bong Tong sa kanyang kolektong activities? Aba’y pabusisi mo agad ‘yan Attorney, nakahihiya naman na masisira ang pangalan mo sa kolektong raket ni Tata Bong.

Ilang MPD district director na ba ang yumuko kay Tata Bong? Kaya naman hinahamon natin si MPD OIC Kernel Nana kung kaya ba n’yang kalusin si Tata Bong o magmamano na lang siya!?

Paki-check na rin Kernel Nana, kung saan ba talaga ang assignment ni Tata Bong dahil may personnel order na back to NCRPO Bicutan na siya!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *