Friday , November 15 2024

PhilHealth premium hike pinapipigil sa SC

HINILING ng isang grupo sa Korte Suprema na pigilan ang pagtaas ng premium contribution sa Philippine Health Corporation (PhilHealth) para sa taon na ito.

Inihain ng Kilusang Mayo Uno sa Supreme Court ang petition for certiorari para magpalabas ng ng temporary restraining order (TRO) laban sa pagpapatupad nang mas mataas na premium contribution sa PhilHealth na nakatakdang simulan ngayon buwan.

Naniniwala ang KMU na ang dagdag na bayarin para sa PhilHealth ay panibagong pasanin para sa mga manggagawa na kumikita lamang ng maliit na sahod.

Iginiit ng grupo na nagpapakita lamang ito na mistulang tinatalikuran ng gobyerno ang responsibilidad sa pag-subsidize sa health services.

Ayon sa Philhealth, ang mga manggagawa ay magbabayad na ng kontribusyon na katumbas ng 2.5 percent ng kanilang sweldo.

Sa ilalim ng bagong sistema ng Philhealth, ang mga miyembro na may buwanan sweldo na P8,999 pababa ay magbabayad ng P200 kontribusyon, ngunit sa lumang bracket, ang mga miyembro na kumikita ng P7,999 pababa ay magbabayad ng P175 monthly contributions.    (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *