Nakuha ng Ayala Corp. at Metro Pacific Investments Corp. ang P1.7 bilyong kontrata para sa common ticketing system ng Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT).
Ito ang kauna-unahang private partnership project (PPP) na ipinagkaloob ng Department of Transportation and Communications (DoTC).
Tinalo ng AF Consortium ang SM group sa nangyaring bidding.
Target na magamit ang common ticketing system ng LRT at MRT simula Setyembre 2015, na isang ticket na lang ang gagamitin sa LRT at MRT.
Isa itong stored-value train ticket katulad ng Octopus Card sa Hong Kong na nagsisilbi ring debit card.
Sa kasalukuyan, magkakaiba ang ticketing system na ginagamit ng mga linya ng LRT at MRT.
Sinabi ng DoTC na ito ang unang bahagi ng mga pagbabago sa railway system ng bansa.