Monday , December 23 2024

NCRPO chief pushes for “serbisyong makatotohanan”

MAKAILANG beses na rin na-reshuffle ang liderato ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa panahon ng administrasyong Aquino ngunit ngayon lamang natin personal na kinikilala ang sipag at dedikasyon ng isang General Carmelo Valmoria na kasalukuyang director ng pulisya sa Metro Manila.

Bakas kasi sa mga kilos at aksyon ni Director Valmoria ang sinseridad sa kanyang bawat  hakbangin at salitang tinuturan at binibitawan.

‘Ika nga, hindi sinungaling at lalong hindi bolero. He mean what he says. Sentro ng kanyang paglilingkuran bilang hepe ng pulisya sa Kalakhang-Maynila ay ang mismong sambayanan o mamamayan.

Sa kanyang pag-iikot sa limang  distrito ng NCR na kanyang nasasakupan, lagi niyang tagubilin sa kanyang mga tauhan ang maging handa upang magbigay serbisyo sa bayan at mamamayan 24/7 o sa lahat ng oras ng pangangailangan.

Nais din ni General Valmoria na muling ilapit sa tao ang pulisya. Manunumbalik ang tiwala ng mamamayan sa mga pulis na minsan nang nabahiran ng takot at agam-agam ng mga nagdaang panahon na ang pulisya ay nasangkot sa iba’t ibang uri ng krimen.

Gusto ni Valmoria na sa ilalim ng kanyang liderato sa NCRPO ay mapagkalooban ng SERBISYONG MAKATOTOHANAN ang mamamayan.

Serbisyong maipagtanggol at mapangalagaan ang sambayanan laban sa lahat ng uri ng criminal elements. Mapanatiling mapayapa ang kapaligiran ng buong pamayanan.

Batid din ni General Valmoria na magagawa lamang ito ng mga pulis kung 100% mentally, physically, emotionally at spiritually fit sila to render service.

Sa tuwing may command conference ang NCRPO, binibigyang-diin ni Valmoria sa kanyang mga opisyal at tauhan ang pag-enhance sa kanilang skills at capabilities upang makapagkaloob ng efficient at diligent effort sa pagseserbisyo sa mamamayan.

Layon din ng NCRPO chief na mabawasan ang crime rate sa Metro Manila partikular yaong mga  krimeng gawa ng riding in tandem na nakababahala na.

Mabuhay ka General Valmoria! Kaisa mo ang “ TARGET ON AIR sa DWAD 1098 khz “ sa nagnanais ng isang mapayapang Metro Manila sa ilalim ng iyong pangangalaga.

With your sincerity and genuine concern sa kapakanan ng nakararami, alam namin na ikaw ay magtatagumpay, hindi lamang in terms of maintaining peace and order in your AOR kundi sa iyong layon na maiangat ang kalidad ng pagpupulis at muling  maibalik ang tiwala ng taong bayan sa pulisya.

More power General Valmoria and goodluck!

***

Makinig sa DWAD 1098 khz am “ target on air’ Monday / Friday  2-3 pm, mag txt  sa  sumbong o reklamo 09167578424 /09196612670 mag email sa  [email protected]

Rex Cayanong

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *