Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marian at Solenn, pinagkaguluhan sa Ginuman Fest sa Tondo

ni  Reggee Bonoan

KASAMA sina Marian Rivera at Solenn Heussaff sa ginanap na Ginuman Festival ng Ginebra San Miguel sa Tutuban Parking Lot, Tondo, Manila noong Sabado para sa selebrasyon ng 180 years ng GSM.

Kaya naman buhay na buhay ang mga kalalakihan nang makita nila ang dalawang dilag na talagang game na game sa kanilang performance.

Nakapulang bestida si Marian kaya naman lalong tumingkad ang kanyang pagka-puti habang sumasayaw ng Gimme-Gimme kasama ang babae at lalaking contestant bilang pa-kontes.

At dahil hindi naman kagalingan ang mga sumayaw kaya ang hinihiyawan ng tao ay si Marian ang magaling at siya ang dapat manalo.

Isang poster na may pirma niya at ilang freebies ng GSM ang ibinigay ng aktres sa nanalo.

Sumunod si Solenn na nang umakyat ng entablado ay talagang palakpakan din ang lahat sa suot niyang black fitted jeans at sexy blouse at kumanta na first time naming marinig kaya nagulat kami dahil kaboses niya sui Zia Quizon.

Anyway, ayon sa publicist ng Ginuman Festival na si Chuck Gomez ay unang leg pa lang ito ng GSM at may 14 probinsiya pa itong pupuntahan sa buong Pilipinas as far as Mindanao.

Samantala, inaabangan ng lahat sa Ginuman Festival tours si Anne Curtis na paborito nilang endorser ng GSM.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …