Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Libing sinoro ng truck 2 patay, 2 kritikal

LEGAZPI CITY – Agad nalagutan ng hininga ang mag-asawa habang su-gatan ang dalawa pa nang mabundol ng 10-wheeler truck ang kanilang sinasakyang motorsiklo habang nakikipaglibing sa bahagi ng Brgy. Godofredo Reyes, Sr., bayan ng Ragay, Camarines Sur.

Kinilala ang mga namatay na sina Jesus Olisea, Jr. at Neneth Olisea, residente ng Brgy. Port Junction Norte, habang sugatan naman sina Emily Dapul at Jimboy Dapul, residente ng Brgy. Lohong nasabing bayan.

Ayon sa ulat ng Ragay PNP, inihahatid sa huling hantungan ang patay na kamag-anak ng mga biktima nang aksidenteng araruhin ng nasabing truck ang likurang bahagi ng mga nakapilang nakikipaglibing at nahagip ang dalawang motorsiklong sakay ang mga biktima.

Paliwanag ng driver ng truck na kinilalang si Wilfredo Ronquillo, ng Davao City, nawalan sila ng kontrol matapos tangkaing iwasan ang kasalubong na truck na nagresulta sa pagbungo nito sa hanay ng mga nakikipaglibing.

Sa ngayon, nananatili sa kustodiya ng mga awtoridad ang driver habang patuloy namang nilalapatan ng lunas ang dalawang nasugatan sa Bicol Medical Center.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …