Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kathryn, ‘di raw nagparetoke

ni  Alex Datu
SA nasabing presscon ay walang kagatol-gatol na pinabulaanan ni Daniel ang naisulat sa dyaryo na ang nababalitang syota nito na si Kathryn Bernardo ay isang retokada beauty. As in, pinabulaan ng young actor dahil kung may ipinagalaw man o ipinabago sa parte ng mukha o katawan ng aktres ay siya ang unang makaaalam dahil halos araw-araw silang magkasama sa taping ng kanilang teleserye.

In fairness, halata naman kahit bata pa noon si Kathryn sa Goin’ Bulilit ay mayroon itong magandang features kaya naman sa kanyang pagdadalaga ay na-enhance at lalong nakita ang kagandahan nang malagyan ng make-up at nag-anyong dalaga.

‘Ika nga, namumukadkad ang kagandahan ng aktres sa kanyang pagdadalaga lalo na’t magde-debu na ito. Tiyak na pag-uusapan kung anong nabago sa pangangatawan ng aktres tulad ng boobs at behind pero tiyak ni Daniel na walang ipenaretoke sa katawan ang kanyang ka-loveteam.

Daniel, hawak ang bandila ng Padilla

KUNG si Robin Padilla ang tinatawag na The Godfather ng mga Padilla na ayaw ng aktor dahil hindi naman siya drug lord, si Daniel naman ngayon ang torch bearer ng mga Padilla o may hawak ng bandila dahil ito ngayon ang nangungunang young star sa kasalukyang henerasyon. Hindi lang ito magaling umarte, magaling din itong kumanta at katunayan, nakapag-Smart Araneta Coliseum na ito na never nagawa ng sinumang naunang mga Padilla.

Napag-alaman namin na inabot ng two years and a half in the making ang pelikula dahil sa mga problemang nakaharap nito na muntik-muntikan nang hindi matuloy o matapos. Sa puntong ito, inamin ni Robin na sobrang mainitin ang kanyang ulo kaya siya ang madalas nagsabi ng ayaw nangituloy ang paggawa ng pelikula. Siya ang unang humawak sa produksiyon pero nang napansing malaki na ang nagagastos, uminit ang ulo at ayaw nang ipagtuloy.

Naipasa ito kay Rommel, kay Mariel, sa Viva Films hanggang hinawakan ito ng kanilang kapatid na babae at ngayon, tapos na ang nasabing pelikula na ipalalabas sa lahat ng mga sinehan sa January 29.

Binubuo ng power cast ang pelikulang Sa Ngalan ng Ama na kinabibilangan nina Robin, Mariel Rodriguez-Padilla, Kylie Padilla and Bella Padilla, RJ, Matt, at Daniel. Special participation naman sina Christopher de Leon, Dina Bonnevie, Rommel Padilla, Karla Estrada, Pen Medina, Lito Pimentel, Dennis Padilla, Bugoy Carino and Aljur Abrenica among others.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …