Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kambing nagsilang ng tuta sa La Union

PINAG-AARALAN ng La Union Veterinary Office kung bakit nagsilang ng tuta ang isang kambing sa Brgy. San Agustin, San Fernando City, sa nasabing lalawigan.

Laking gulat ni Jovita Ochoco, may-ari ng kambing, nang makita niya na ang iniluwal ng alaga ay tuta at hindi kambing.

Sa paglalarawan ng may-ari at ilang residenteng nakakita, parang aso ang mukha at katawan, at walang sungay ang isinilang ng kambing.

Ayon sa residente na si Marilou Picorro, hawig nito ang pug o Boston Terrier na uri ng aso.

Nabatid na premature ang isinilang kaya namatay din ito makalipas ang ilang oras kasama ang dalawang kapatid.

Sa inisyal na pagsusuri ni Dr. Flosie Decena, posibleng sanhi ito ng gene mutation na naapektohan nang malamig at pabago-bagong panahon na nararanasan sa bansa.

(BETH JULIAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …