ni Alex Datu
DANIEL PADILLA is taking his sweet time, ‘ika nga, kahit malapit nang ipalabas ang kanilang pelikulang Sa Ngalan ng Ama, Ina at Ng Mga Anak sa January 29. Hindi siya nakitaan ng pressure na baka ‘di gaanong tatangkilikin ng kanyang mga tagahanga ang kanilang pelikula dahil pang-adult ito.
Tiyak na hahanapin ang kanyang pa-kilig acting o pa-cute na acting sa kanilang teleserye ni Kathryn Bernardo at sa pelikula nilang Pagpag Siyam Na Buhay.
Medyo tinamaan ang ego ng batang Padilla dahil agad itong nag-react na hindi dahil pa-cute ang kanyang ginagawang acting ay wala siyang ginagawang effort sa pag-arte. ”Hindi po madali magpa-cute dahil mahirap sa akin ang magpakilig sa screen. Kailangan din d’yan ang akting at kailangan may chemistry kayo ng ka-partner mo.”
Kung hindi man nape-pressure ang aktor ay dahil hindi siya iniiwan ng kanyang mga tagahanga kaya tiyak susuportahan ang kanyang pelikula kahit hindi niya kapareha si Kathryn. Inamin nitong naiiba ang kanyang movie dahil hard action ito na nakipagsuntukan, nakipagbarilan, at nakipaghabulan siya. Pero tiyak na magugustuhan din ito ng kanyang mga bagets na tagahanga dahil silang magkakapatid at magpipinsan ang may mga eksenang pambagets.
Ayaw manahin ang pagiging babaero
SPEAKING of Padillas, aliw panoorin ang mga magkakapatid na sina Daniel, RJ, at Matt noong grand presscon ng nasabing pelikula mula sa RCP Productions in partnership with Star Cinema at kasali ito sa on-going 20th year ng nasabing movie outfit.
Lalo na nang tanungin silang tatlo kung mamanahin ba nila o susunod sa yapak ng kanilang amang si Rommel at tiyuhin nilang si Robin ang pagiging matitinik sa chicks. Nagtinginan ang magkakapatid, parang may gustong sabihin sa kanilang ama pero nagawa nila ‘yun sa pamamagitan ng kani-kanilang mga mata o facial expression.
Nasakyan naman agad ito ng ama kaya siya na ang nag-break ng ice, ”Ayaw daw nila, hindi raw sila ma-chicks na tulad namin ni Robin. Stick to one lang daw sila. Mababait daw sila.”