Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dalawang hinete nakantiyawan

Nakantiyawan ng BKs ang dalawang hinete na pumatnubay sa mga kabayong sina Flying Honor at Ecstatic Gee.

Ang sa una ay sobrang pigil at pagpapaikot nung nagdala sa kanyang mga nakalaban simula sa mga unang nakatabing kalaban at hanggang sa pumasok sa rektahan na puro monkey ride at pirmis ang nangyari.

Subalit mga ilang metro ang natira sa laban ay biglaang dumikit ang nagwaging si Adamas at sa puntong iyon ay huli na ang lahat na gagalawan palang ni hinete ang kanyang sakay laban sa nakabuwelo nang nakalapit sa kanya.

Naringgan din natin ang ilan na sunog daw ang unang tambalan sa dobol dahil sa iisa lamang ang koneksiyon sa likod nung nagwagi sa unang karera?

Ano naman kaya ang naging reaksiyon nila kung sakaling totoo man na kabitan na nga sana eh nabigo pa?

Ang kay Ecstatic Gee naman ay ramdam na ramdam ng nakararami na peke ang nagawang pagpapatakbo sa kanya ni hinete, iyan ay dahil sa sumasakay kasi ang nasa ibabaw dun sa nanalong animo’y hinatid lang ng tanaw hanggang sa makarating sa meta.

Itinumbas lang daw ang galing ni Ecstatic Gee sa naka-photo finish niya sa meta. Aguy-aguy, mga class-A riders nga naman. Maaring mapanood iyan sa website ng MJCI (www.manilajockey.com), na matatagpuan sa race results. Mayroon din sa Youtube, i-search lang ang MJCI-012914-R02 at MJCI-012914-R6 ayon sa pagkakasunod.

Fred L. Magno

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …